Nang magharap ang DRX at koponan ni Kyrylo “ANGE1” Karasov sa Group B ng VCT Stage 2 Masters Copenhagen, nangibabaw ang Korean powerhouse sa serye sa iskor na 2-1 para maselyo ang kanilang spot sa playoffs.
Bagamat naunang magpakitang-gilas ang FunPlus Phoenix sa map pick ng kanilang kalaban na Haven, nakabwelta ang DRX para selyuhin ang Fracture at Breeze sa scorelines na 13-6.
Pero tila hindi ata handa ang in-game leader ng FPX na bigyan ng papuri ang kanilang nakalaban, imbes, tinuro niyang dahilan ang kakulangan nila sa paghahanda bilang dahilan ng kanilang pagkatalo.
“To be honest, it was hard, but it wasn’t because they are good,” saad ni ANGE1 sa post-match press conference. “They just got lucky we didn’t have enough time to prepare.”
Isang araw lang nakapag-practice ang FPX bago ang kanilang unang laban, ani ANGE1

Kasalukuyang naglalaro ang CIS team kasama ang stand-in na si Mathias “SEIDER” Seider dahil hindi nakakuha ng visa ang controller main nilang si Dmitry “SUYGETSU” Ilyushin bago ang group stage.
Bukod doon, inamin din ni ANGE1 na isang araw lang din nakapag-practice ang koponan bago ang unang laban nila sa turneo, kaharap ang XERXIA Esports. Kontra DRX, two araw lang ang nailaan ng koponan para makapaghanda.
“There was nothing surprising because their meta was like the European meta some time ago,” paliwanag niya.
Pwede pa raw i-improve ang mga default ng kanilang koponan, ayon sa 32-taong-gulang na IGL, at hindi pa sila nakakahanap ng oras para mapag-usapan ang mga setup nila sa early rounds.
Bakas ang kakulangan nila sa paghahanda sa unang laban nila kontra pambato ng Korea. Sa Haven, nakahanap ng 10 kills si Goo “Rb” Sang-min, kung saan ang tatlo ay galing sa sunod-sunod na beses na pagkakapitas sa kapitan ng FPX sa may A Long.
Tabla rin si ANGE1 at Rb sa highest first deaths per round sa Masters Copenhagen kahit pa hindi duelist ang nilalaro ng nasabing IGL. Nakababahala ito para sa isang shotcaller na ang kadalasang nilalaro ay controller at initiator agents.
Sa Fracture, tila walang ideya ang FPX kung paano sasagutin ang bilis at pagka-agresibo ng Neon ni Rb. Walang humpay ang pag-sprint ng 20-taong-gulang na duelist sa mga site para makagawa ng space para sa kanyang koponan.
Samantala, tagumpay namang nakalagpas sa group stage ang FPX matapos walisin ang Northeption ng Japan sa decider match ng kanilang pangkat. Ipagpapatuloy nila ang kanilang kampanya sa playoffs, na idaraos simula ika-14 hanggang ika-24 ng Hulyo.
Masusubaybayan ang mga bakbakan sa opisyal na Twitch at YouTube channels ng Valorant.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Lahat ng teams na qualified para sa Valorant Champions Istanbul