Kinuha ng G2 Esports sila Johan “Meddo” Renbjörk Lundborg at Aaro “hoody” Peltokangas para buuin ang kanilang Valorant roster na sasabak sa darating na Valorant Champions Tour (VCT) 2022 season.

Dinagdag rin ng sikat na European esports organization si Daniil “pipsoN” Meshcheryakov bilang bagong coach nito para sa kanilang misyon na palakasin ang kanilang koponan sa ikalawang taon ng VCT.

G2 Esports kasado na para sa VCT 2022

G2 Esports
Credit: Riot Games

Nagtapos ang kampanya ng G2 Esports sa VCT 2021 season sa ikatlong pwesto sa EMEA Last Chance Qualifier kaya hindi sila nakapasok sa Valorant Champions.

Matapos nito, napagdesisyunan ng Masters Berlin 3rd-4th placer na tanggalin ang in-game leader nito na si Jose Luis “koldamenta” Aranguren Herrero noong unang araw ng Disyembre. Sunod na binangko ng koponan si Wassim “keloqz” Cista noong ika-23 ng Disyembre.

Dahil may dalawang bakanteng pwesto sa roster at coaching position na kailangang punan, kinuha ng G2 ang trio ng Giant’s Gaming na sila Meddo, hoody at pipsoN para kumpletuhin ang roster nito.

Ang bagong Valorant roster ng G2 Esports

Credit: G2 Esports
  • Oscar “mixwell” Cañellas Colocho
  • Žygimantas “nukkye” Chmieliauskas
  • Auni “AvovA” Chahade
  • Aaro “hoody” Peltokangas
  • Johan “Meddo” Renbjörk Lundborg
  • Daniil “pipsoN” Meshcheryakov (coach)

Ang bagong squad ng G2 ay magde-debut sa qualifiers ng unang EMEA Challengers ng VCT 2022 season. Nakatakda itong maganap sa kalagitnaan ng Enero ng sunod na taon.


Sundan ang mga kaganapan sa Valorant Champions Tour sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.

Salin ito ng orhinal na katha ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.