Ang Korean Valorant pro player na si Kim “Lakia” Jong-min ay inilipat ng kanyang organization na DRX Vision Strikers papunta sa bagong buong Japanese esports organization na IGZIST.
Si Lakia ay magko-compete para sa Japan region sa paparating na VCT 2022 season. Kabilang na sya sa mga kapwa Korean pro players na sumapi sa Japanese roster, tulad ni Byeon “Munchkin” Sang-beom ng Crazy Raccoon at Park “Seoldam” Sang-min ng Northception.
DRX Vision Striker inilipat si Lakia papuntang IGZIST para sa VCT 2022 season

Sa unang bahagi ng 2021 ay naglaro si Lakia para sa team na NUTURN, kung saan tinulungan nya ito na makapasok sa VCT Stage 2 Master Reykjavik, ang kauna-unahang international Valorant LAN event.
Sumapi ang 21-anyos na pro player sa Vision Strikers noong July 2021, ang noo’y pinakadominanteng roster sa Korean Valorant na kilala dahil sa kanilang undefeated 104-game win streak. Naging miyembro sya ng six-man roster ng team kung saan kinakailangang magpalitan ng mga players depende sa kung anong map ang paglalaruan.
Sa kabila nito, dalawang international matches lamang ang kanyang nalaro para sa Vision Strikers. Ang una ay noong natalo sila sa Gambit Esports 1-2 sa isang quarterfinals match sa VCT Stage 3 Masters Berlin. Ang huling beses na naglaro si Lakia para sa dating team ay noong nakatamo ulit sila ng isa na namang 1-2 na talo laban sa Cloud9 Blue sa Valorant Champions Group D elimination match.
Matapos makuha ang Vision Strikers ng Korean esports organization na DRX noong January 7, 2022, inanunsyo ng team ang desisyon na ilagay sa inactive roster si Lakia.
Ang unag Valorant roster ng IGZIST

Ang IGZIST ay unang inanunsyo noong December 9, 2021. Ang team ay binubuo ng mga dating players ng BlackBird Ignis na nag-compete sa Japanese region hanggang sa sila ay bitawan ng organization noong September 30, 2021.
- Yumeki “poem” Shibasaki
- Masayuki “oitaN” Takahashi
- Shuma “RIPablo” Ikeda
- Shoki “Pepper” Banjo
- Kim “Lakia” Jong-min
- Seigi “Ask” Yamamoto
- Ambox (Coach)
Ang IGZIST ay magko-compete sa VCT Stage 1 Japan sa pagbubukas ng open qualifiers sa February 15, 2022.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.