Kinuha ng Sentinels ang dating TSM FTX president na si Leena Xu, ayon kay George Geddes ng Dot Esports.
Ayon sa kanyang LinkedIn profile, si Xu ang Chief Revenue officer (CRO). Naiulat na bahagi siya ng pag-uusap at negosasyon upang mapapirma ang CS:GO Major winner at superstar streamer na si Tarik “Tarik” Celik.
Mukhang naging bahagi siya ng Sentinels mula pa noong March ng taong ito, kasunod ng pag-alis niya mula sa TSM noong November 2021.
Si XU ay naging bahagi ng TSM mula pa noong 2012, nguniot umalis siya sa gitna ng mga usap-usapan tungkol sa workplace bullying laban kay CEO Andy “Reginald” Dinh. Sinabi rin niyang hindi na nakikitaan ng TSM ng halaga ang pag-invest sa kanilang LCS team, at sinabing isa ito sa mga dahilan ng kanyang pag-alis.
Sentinels kinuha si Leena Xu bilang Chief Revenue Officer

Samantala, magpapatuloy si Xu sa kanyang trabaho sa OfflineTV, isang grupo ng mga streamers at content creators kabilang sina Imane “Pokimane” Anys, Lily “LilyPichu” Ki, at Jeremy “Disguised Toast” Wang. Sumali siya sa management team ng grupo noong November matapos umalis sa TSM.
Bilang bahagi ng TSM, si Xu ang namamahala sa ilang esports initiatives, na tumutulong upang mapalaki ito bilang isa sa mga prominenteng brands sa industriya. Sa pamamalagi niya sa organisasyon, nagkaroon rin siya ng relasyon sa retiradong League of Legends pro na si Yiliang “Doublelift” Peng, na kasalukuyan niya pa ring dine-date.
Buo ang dedikasyon ng Sentinels sa Valorant. Sa katunayan, sinabi ng CEO na si Rob Moore sa Dot Esportsa na plano nilang idomina ang Valorant katulad ng ginawa ng TSM at G2 sa League.
Hindi maitatangging may lamang na ang Sentinels dito. Malakas ang hatak sa mga viewers ng kanilang Valorant roster sa tuwing maglalaro ang mga ito, na bumabasag ng kaliwa’t kanang mga records. Sa nakaraang VCT NA Last Chance Qualifier, nalampasan ng team ang kanilang sariling viewership record sa North American Valorant, kung saan nakakuha sila ng mahigit 608,000 peak viewers.
Ang boys in red ang pinakasikat na team sa buong mundo at literal na “face of the game”. Sa sunod-sunod na pagpirma ng mga superstars, tulad nina Tarik at Michael “shroud” Grzesiek (bagama’t pansamantala lamang), ay patunay na malakas din ang hatak nila sa mga malalaking pangalan sa game.
Nananatili sila sa mga inaasahang makapasok sa franchising para sa 2023 season, at magkakaroon si Xu ng gagampanang parte pagdating sa mga darating na business dealings.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.