Ang dalawa sa pinakamalalaking pangalan sa Valorant ay opsiyal nang nagsama para sa paaprating na VCT North American Last Chance Qualifier sa August.
Ang Sentinels, isa sa pinakapopular na Valorant teams sa buong mundo, ay kinuha ang dating CS:GO pro at ikat na streamer na si Michael “Shroud” Grzesiek bilang ikalima nilang miyembro.
Matagal nang wala sa competitive FPS scene si Shroud mula pa noong magretiro siya sa CS:GO noong 2018 upang maging isang full-time streamer at content creator.
Papalitan ni Shroud ang flex player ng Sentinel na si Hunter “SicK” Mims para sa darating na VCT NA LCQ. Ayon sa in-game leader ng team na si Shahzeb “ShahZaM” Khan, hindi makakapaglaro si SicK dahil sa isang hindi pa inihahayag na family emergency na naganap noong June.
Shroud nagbabalik mula sa retirement upang sumali sa roster ng Sentinels para sa VCT NA LCQ

Naglabas ang Sentinels ng isang maikling recorded interview ni Shroud na nagpapaliwanag kung paano nabuo ang kanilang partnership.
Sinabi ng 28-anyos na biglaan ang naging desisyon niya na sumali sa Sentinels Valorant roster. “I’m itching to try competing again and Valorant’s something new, and I want to see how I can fair in something new rather than going back to what I already know,” sabi niya.
Ang paraan ng paglalaro ng Sentinels ang pumukaw sa interes ni Shroud. “They remind me of my team in Counter-Strike,” sabi niya. “The style and igl-ing that’s done within that team and the way they play together. It just reminds me of how we played. I’d imagine even just their personalities resemble my experience in the past.”
Ang tinutukoy ng sikat na Twitch streamer ay ang kanyang paglalaro para sa CS:GO roster ng Cloud9 mula 2014 hanggang 2017. Sa kanyang huling taon sa competitive CS:GO, nagtapos ang Cloud9 bilang runner-up sa ESL One Cologne 2017. Kabilang sa team sina Jordan “n0thing” Gilbert, Tyler “Skadoodle” Latham, Jacky “Stewie2K” Yip, at Timothy “autimatic” Ta.
Isang taon amtapos ang ESL One Cologne 2017, pinasok ni Shroud ang PlayerUnknown’s Battlegrounds, na nagbukas ng pinto sa kanyang streaming career. Kinalaunan ay naging isa siya sa mga pinakamalaking streamers sa buong mundo, na merong 10 million followers sa Twitch.
Sinagot ni Shroud ang isa sa mga pinakamalaking tanong na naglalaro sa isip ng lahat tungkol sa kanyang pagbabalik sa esports.
“I’m not committing to this LCQ half-assed. I’m going to boot camp,” sabi niya. “I’m going to be playing Valorant every day. I’m not going to be touching anything else. The big one is that I’m going to try my absolute best to not let anyone down, my fans, the Sentinel fans, and I’m just giving my all.”
Ibinahagi rin ni Shroud na gusto niyang makuha ang controller role sa karamihan ng mga maps. Ngunit kung magiging mas komportable ang isang teammate na gumamit ng Viper, maaari siyang mag flex papunta sa ibang role.
Umaasa ang dating CS:GO pro na manalo sa VCT NA LCQ, ngunit ang personal na layunin niya ay ang paghusayan ang paglalaro at makabalik sa entablado upang makapaglaro sa harap ng maraming tao.
“I would hate to put in all this effort and drop the ball,” sabi niya. “I don’t think I will. It can happen, it could just be a couple of matches and that could be the end of it, but I really don’t want that. I really want to take the LCQ.”
Sentinels Valorant roster
- Shahzeb “ShahZaM” Khan (in-game leader)
- Michael “dapr” Gulino
- Tyson “TenZ” Ngo
- Eric “Kanpeki” Xu
- Michael “Shroud” Grzesiek
- Hunter “SicK” Mims (inactive)
- Shane “Rawkus” Flaherty (coach)
Ang VCT NA LCQ ay gaganapin sa August kung saan walong North American teams na may pinakamaraming VCT circuit points ang maglalaban upang makapasok sa Valorant Champions Istanbul. Ang mananalong team ang magklalaro sa Valorant world championship ng Riot games sa pagtatapos ng taon.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.