Nagbigay ang Riot Games ng limited edition Jett sneakers sa ilang Valorant professional players at streamers, kabilang na sila Jayvee “DubsteP” Paguirigan ng Team Secret at Goo “Rb” Sang-min ng DRX.

Kamukha ng sneakers ang suot ng Korean agent sa “Can’t Slow Me Down” KPOP music video na ni-release noong Pebrero.

Tampok sa track ang mga sikat na music artists na sina IIIBOI, Mirani at GroovyRoom at nagpasilip din ito sa mga personal na interes ni Jett.


Nakipag-team up ang Riot Games sa Mother Ground para gawin ang limited edition Jett sneakers

Jett sneakers tampok sa Can't Slow Me Down music video
Credit: Riot Games

Si Jett pala ay isang ring sneakerhead at may sarili pang shoe room!

Ito ang ginamit na team ng Riot Games at nakipa-collaborate sila sa Korean sneaker at apparel company na Mother Ground para gawin ang Jett sneakers. Nakapaloob sa premium hard carrying case ang mga sapatos at ang prints ay nagmula sa “Can’t Slow Me Down” music video.

Ang high-top sneakers ay nakabase talaga sa H001 shoes ng Mother Grounds na may one-of-a-kind colorway. Tinatampok ng sapatos ang all-black upper na may dalawang blue velcro straps para sa mas swak na fit at EVA foam insole para sa extra comfort.

Mayroon din itong white rubber outsole na pinapalamutian ng stylish wind pattern design bilang simbolo ng special abilities ni Jett.

Ayon sa tweet ni DubsteP, kasama rin ng ultra-exclusive sneakers ang isang card of authenticity na nagsasagsabing 300 pairs lang ang inilabas ng Riot.

May isang sulat din itong kasama na nagsasabing, “Reaching the unreachable limits and speed in Valorant. We honor you as our Agent.”

Gayunpaman, sa ngayon ay wala pang paraan kung paano makakakuha ng pares ng Jett sneakers na ito. Ang limited edition shoes ay hindi ibinibenta sa Riot Games of Mother Ground website man at tanging mga pro players at streamers lang ang mayroon nito.



Hindi ito ang unang beses na nakipag-partner ang Riot Games sa isang apparel brand. Bilang pagdiriwang sa debut ng Filipino Valorant agent na si Neon, nakipag-team up ang Riot sa Pinoy urban streetwear brand na Team Manila para gumawa ng custom Neon merch kits.

Para sa Valorant news, guides at highlights, pwede niyong i-like at i-follow ang Facebook page ng ONE Esports Philippines.


Ito’y pagsasalin ng artikulo ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.