Sabik na nag-aabang ang mga fans sa kung anu-ano pa ang ilalabas na may kinalaman sa electrifying Valorant agent na si Neon — at isang magandang balita na nakikinig ang Riot Games!

Para i-celebrate ang debut ni Neon, nakipag-partner ng Riot Games sa Filipino streetwear brand na Team Manila para gumawa ng custom Neon merch kits.

“We are thrilled that Valorant’s cast of agents now includes a Southeast Asian representative from the Philippines that players around the world can engage with. We hope our regional communities enjoy the various Neon-related activities we’ve launched in celebration of this moment,” wika ni Justin Hulog, ang General Manager of Southeast Asia ng Riot Games.

(Natutuwa kami na nakasama sa cast ng Valorant agents ang isang Southeast Asian representative mula sa Pilipinas, na pwedeng magamit ng mga manlalaro sa buong mundo. Hiling namin na ma-enjoy ng regional communities ang Neon-related activities na aming inilunsad.)

Ngayon ay may oportunidad na ang mga fans mula sa Pilipinas, Thailand, Indonesia, Malaysia at Singapore na makakuha ng opisyal at eksklusibong Neon merch mula sa Team Manila sa pamamagitan ng mga kompetisyong inilabas ng Valorant sa iba’t-ibang opisyal na social pages nito.


Ipasa ang inyong pinakamalupit na Neon drawing sa Fan Art Contest

Credit: Riot Games

Nagkaroon ba ng spark sa’yo sa pagdating ng sprinting duelist mula sa Maynila? Hinihikayat ng contest na ito ang mga artists na magpasa ng obrang tinatampok ang ika-19 na Valorant agent gamit ang digital o traditional art media. Maaaring i-upload ng mga kalahok ang kanilang fan art sa Facebook o Instagram at kailangang ilagay ang hashtag na #NeonFanArtContest maging ang kanilang Riot ID sa caption.

Hanggang ika-30 ng Enero ang submission at ang top 40 entries ay iaanunsyo sa ikalawang araw ng Pebrero. Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang opisyal na Facebook post ng Riot Games.


Ilabas ang iyong inner fashion designer sa Neon Low Cost Cosplay Contest

Credit: Riot Games

Kaya mo bang i-overdrive ang iyong pagiging matipid? Ini-engganyo ng contest na ito ang mga aspiring cosplayers na gumawa ng low cost Neon cosplay gamit ang mga pang-araw-araw na materyales na pwede nilang matagpuan sa kanilang bahay. Kailangang i-submit ng mga lalahok ang kanilang cosplay entries sa pamamagitan ng pag-comment nito sa isang post.

Magtatapos ang kompetisyon na ito sa ika-31 ng Enero at ang iaanunsyo ang top 40 entries sa ikatlo ng Pebrero. Para sa iba pang detalye, puntahan ang opisyal na Facebook post ng Riot Games.


Anu-ano ang nasa Neon merch kit ng Team Manila?

Neon merch
Credit: Team Manila

Nakapaloob sa opisyal na Team Manila x Valorant // Neon Collection ang mga sumusunod:

  • Basketball jersey
  • Hoodie
  • Bucket hat
  • Designer water bottle
  • Wristband

Para sa mga balita at guides patungkol sa Valorant, maaari niyong i-like ang Facebook page ng ONE Esports Philippines.


Salin ito ng akda ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.