Meron nga ba talagang loser’s queue sa Valorant ranked? Wala, sabi ng Senior Competitive Designer na si Jonathan “EvrMoar” Walker.

Ang sagot ni EvrMoar ay lumabas matapos niyang makita ang isang video tampok ang superstar streamer at Sentinels pro na si Michael “Shroud” Grzesiek.

Ang Snetinels player ay nagsisimulang maniwala sa isang ideya na merong loser’s queue sa Valorant, matapos sabihin ng isang viewer na ito ang paraan ng Riot Games upang masiguro na patuloy ka sa paglalaro upang makakuha ng panalo. At dahil sinabi rin ng kanyang mga teammates na natalo sila sa kanilang naunang game ay mas lalong napagtibay ang kanyang teorya.

Gayunpaman, pinasinungalingan ni EvrMoar ang ideyang ito. There is no loser’s queue in Valorant,” kinlaro niya sa Twitter. “We do not manipulate the queue.”


Walang loser’s queue sa Valorant ranked

Valorant Ranked Episode 5 Shroud Loser's Queue
Screenshot by Koh Wanzi/ONE Esports

Ang sunod-sunod na pagkatalo ay isa rin sa mga dahilan kung bakit umaayaw ang mga players sa game, dagdag niya, kung kaya’t labag sa interes ng Riot ang magpatupad ng isang loser’s queue.

“The rumor is that we are trying to get you addicted in order to get you to play more,” sabi niya. “I personally do not think this is good for the game, but it also does not meet our goals of just wanting to make a great game that you can enjoy.”

Ang totoo, simple lang ang ranked queue sa Valorant. Ang layunin ng matchmaking system ay makahanap ng dalawang teams na may 50 percent na tyansang manalo laban sa kabilang team upang masiguro ang pagkakaroon ng patas na laban.

Research shows fair matchmaking keeps players, not unfair manipulated matchmaking,” sabi niya.

Bagama’t pakiramdam mo ay isinama ka sa mga players na hindi rin makakuha ng panalo sa kanilang paglalaro dahil sa red carpet sa iyong career screen, maaaring nagkataon lang ito at hindi lang kayo pinalad.

Kung sabagay, kung sampung beses ka nang sunod-sunod na natatalo, magmumukha ngang pinagkakaisahan ka ng buong universe para siguraduhing ulanin ka ng kamalasan.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.