Ang dating Gambit Esports roster na M3 Champions (M3C) ay opisyal nang aabante papuntang VCT EMEA Stage 2 Challengers playoffs, matapos ang isang magulong group stage run.

Ang CIS squad ay nagtapos sa ikatlong pwesto sa Group B, kung saan tinalo nila ang BBL Esports at Natus Vincere sa isang three-way tie.

Ang tatlong squads ay nagtapos na may 2-3 record, ngunit nangibabaw ang M3C nang hindi naglalaro ng kahit isang tiebreaker game, salamat sa isang particular na set ng tiebreaker rules.

M3C aabante papuntang VCT EMEA Stage 2 Challengers playoffs

Gambit Esports now M3C VCT Stage 3 Masters Berlin
Credit: Riot Games

Sa pagpasok ng huling linggo ng group stage, ang mga kampeon ng Masters Berlin 2021 ay kinakailangang manalo sa kanilang huling match laban sa Team Liquid upang masiguro ang kanilang third-place finish at makapasok sa playoffs.

Sa kasamaang-palad, nagtamo sila ng 0-2 na pagkatalo sa Team liquid na naging dahilan ng pagkawala ng kanilang kapalaran sa kanilang mga kamay. At matapos ng pagkapanalo ng Natus Vincere laban sa Guild Esports, ang kanilang pag-qualify para sa playoffs ay nagdepende na sa kalalabasan ng laban sa pagitan ng BBL Esports at BIG.

Kung manalo ang BIG, ang M3 Champions ay papasok sa isang three-way tie kasama ng BIG at Natus Vincere. Ayon sa VCT Challengers rulebook, ang team na may head-to-head advantage laban sa dalawang squads sa isang three-way tie ang makakakuha ng pinakamataas na standing.

Tinalo ng M3C ang Natus Vincere kamakailan, bagama’t nanalo ang BIG laban sa M3C ay tinalo naman sila ng Natus Vincere. Nangangahulugan na ang three-way tie ay may posibilidad na mapagdesisyunan sa mga tiebreaker matches, ‘yon ay kung mabibigo ang map at round differentials na basagin ang tie.

Swerte ng M3 Champions, nanalo ang BBL Esports sa kanilang match laban sa BIG. Ito ang nagbigay sa CIS team ng kalamangan sa head-to-head tiebreaker, dahil tinalo nila ang BBL at Natus Vincere.

Ito ang nagbighay sa kanila ng ikatlong pwesto sa Group B, kasunod ng Guild Esports at Team Liquid.


Mga resulta ng VCT EMEA Stage 2 Challengers Group B

STANDINGTEAMMATCH RECORD (W-L)MAP RECORD (W-L)ROUND DIFFERENTIAL
1stGuild Esports4 — 1153 — 123+30
2ndTeam Liquid4 — 1141 — 120+21
3rdM3 Champions2 — 3104 — 112-8
4thBBL Esports2 — 3121 — 133-12
5thNatus Vincere2 — 3166 — 167-1
6thBIG1 — 4112 — 142-30

Ang M3 Champions ay nakatakdang harapin ang kampeon ng Valorant Champions 2021 na Acend sa VCT EMEA Stage 2 Challengers playoffs sa June 17, 10:00 p.m. GMT+8.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.