Gaya ng karamihan ng competetive games, hindi rin mawawala ang toxicity sa Valorant. Ngayon, may pinage-eksperimentuhan ngayon ng Riot Games ang isang zero-tolerance Valorant report system sa Turkey.

Pinangalanan bilang Alarmbot, ang bagong Valorant report system ay dinisenyo para matulungan ang Riot na maka-aksyon agad kontra players na nagpapakita ng tinatawag na zero-tolerance behavior habang naglalaro ng nasabing FPS title.

Para sa lahat ng nasira ang laro dahil sa bigotry, harassment, o ano pa mang malisyosong pag-atake, good news ang inisyatibong ito. Bagamat sa Turkey pa lang ito naka-implementa sa ngayon, kinumpirma ng Riot na tine-test muna nila ang nasabing Valorant report system bago tignan ang posibilidad na ilatag ito worldwide.


Paano gagana ang zero-tolerance Valorant report system?

Tila basic pa lang ang report system sa ngayon. Kailangan ng mga players na i-send ang kani-kanilang reports sa alarmbot@riotgames.com na pinapatakbo ng Support Team.

Ang mga magre-report ay dapat mag-attach ng screenshot o video ng insidente, pati na rin ang Riot ID ng ire-report. Para mapabilis ang proseso, makatutulong din kung ibibigay pati ang petsa kung kailan naganap at Riot ID ng nagre-report para matulungan ang team na makumpirma ang ebidensiya.

Bagamat gumagana pa rin ang in-game reporting system, gaya ng kasalukuyang ginagamit para i-report ang cheating at pagto-throw, ibang kaso ang turing ng Riot sa zero-tolerance cases sa ngayon.

Nagte-test ng zero-tolerance Valorant report system ang Riot Games
Credit: Riot Games

Sa isang article na nakalathala sa Turkish site ng Valorant, sinabi ni Bahadir “Dunpy” Guven, Community Manager ng Riot, na ang mga measures na ito ay dinisenyo kasama ang Valorant Social Dynamics at Player Dynamics team, at ang adhikain nila ay makabuo ng environment kung saan mas nakaka-enjoy ang paglalaro.

Dine-define ng Riot ang zero-tolerance actions bilang “extreme behavior”, at binanggit ang pagbabanta ng karahasan bilang halimbawa. Gayunpaman, tila malabo pa rin ang ibig sabihin, kaya siguro gumawa ng email system ang kumpanya para masuring maiigi ang bawat kaso.

Naging partikular din ang game developer at publisher sa mga negative behavior kontra kababaihang gamers bilang halimbawa ng zero-tolerance behavior. Nais ng bagong Valorant report system na makagawa ng lugar kung saan mararamdaman ng players na sila ay ligtas, maaaring magsaya, at maaaring makipag-communicate nang hindi naha-harass.

Limitado pa lang sa Turkey ang kasalukuyang implementasyon. Dagdag din ni Dunpy na posibleng hindi maging permanente ang Alarmbot Valorant report system, at balak din nilang mag-launch ng bagong automated systems.


Ano ang mga parusa sa zero-tolerance behavior?

Depende sa kaso ang penalty na ipapataw. May ilang players na nakatanggap ng permanent suspension, habang ang iba naman ay na-ban sa loob ng isa hanggang dalawang linggo. ‘Pag inulit nila ang kanilang asta, makatatanggap ang mga ito ng permanent bans.

Nais ng Riot para sa Alarmbot report system na maging matibay na sistema, pero gusto rin nila bigyan ng pagkakataon ang mga manlalaro na magbago para sa kanilang ikabubuti.

Ipinapaalam din ng Riot kung ang Alarmbot report ay nagresulta sa penalty para sa ni-report na player.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: MOUZ papasok sa Valorant kasama ang dating Team Liquid player na si Kryptix