Ang German esports organization na MOUZ (dating mouseports) ay makikipagsapalaran na sa Valorant scene. Kinuha nila ang European team na MMix, kasama ang dating Team Liquid player na si James “Kryptix” Affleck at ang Heretics duelist na si Felix “al0rante” Brandl.

Kilala ang MOUZ sa kanilang mahabang kasaysayan at tagumpay sa Counter-Strike, kaya’t natural lang ang pagpasok ang organisasyon sa Valorant. Ang mga bali-balitang nagbubuo ng isang Valorant roster ang MOUZ ay nagsimula noong Oktubre ng nakaraang taon, matapos nilang ilabas ang kanilang rebranding video kung saan makikita ang isang PC desktop background na may bago nilang logo at pitong games, isa sa mga ito ang first-person shooter ng Riot Games.


Pumirma ang European team na MMix sa MOUZ

Kamakailan ay nag-qualify ang MMix para sa Valorant Regional Leagues regular season nang walang naipatalong series. Ang bagong roster ay unang lalaban sa ilalim ng MOUZ sa VRL 2022 DACH: Evolition Stage 1, na magsisimula sa February 15.

Ang VRL ay ginawa upang tulungang sumulong ang mga regional Valorant teams, kung saan naglalaan sila ng competitive platform para mas mapaghusay ang talento at galing ng mga papasikat na players. Ang mananalo sa tournament ay aabante patungong VCT Promotion Tournament, kung saan maglalaban-laban ang mga teams para makasali sa VCT EMEA Stage 2.

Dala ni Kryptix sa team ang sapat na experience sa pinakamataas na lebel ng competitive Valorant, kabilang ang mga panalo sa EMEA Challengers at pagiging bahagi ng Stage 2 Masters Reykjavik.

Tungkol naman kay al0rante, nabuo nya ang kanyang reputasyon bilang duelist at initiator sa Team Heretics gamit ang Reyna, Raze, at KAY/O. Ang kanyang teammate na si Amine “Amilwa” Saidi ay nagmula rin sa Team Heretics, ngunit sandali lamang syang naglaro para sa organisasyon noong VCT EMEA Stage 3: Challengers 2.

Valorant roster ng MOUZ

  • Felix “al0rante” Brandl
  • Joseph “Luzuh” Loose
  • James “Kryptix” Affleck
  • Amine “Amilwa” Saidi
  • Laurent “memset” Werly

Susunod na makakaharap ng team ang FOKUS sa VRL 2022 DACH: Evolution Stage 1.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.