Handa na ang mga top Valorant teams ng Europe, Middle East, at Africa para sa bagong 2022 Valorant season. Dadaan sa matinding pagsubok ang kanilang mga skills at strategy sa VCT EMEA Stage 1 Challengers, kung saan nakahandang ipagtanggol ng naghaharing kampeon na Acend ang kanilang korona.

Nagpadala ng direct invites ang Riot Games sa mga sumusunod na teams, na binubuo ng mga pinakamahuhusay sa rehiyon, na aabante na sa Stage 1 Main Event:

Ang apat na teams na ito ay napili base sa kanilang 2021 VCT EMEA circuit point standings. Lahat din sila ay nakasali sa Valorant Champions sa pagtatapos ng nakaraang taon.


Ano ang VCT EMEA Stage 1 Challengers?

Valorant Acend Valorant Champions 2021
Credit: Riot Games

Ang VCT EMEA Stage 1 Challengers ay ang unang competition ng 2022 season para sa teams na nakabase sa Europe, Middle East, at Africa. Meron itong tatlong phases: ang open qualifiers, ang regular season, at ang playoffs.

Ang pinakamahuhusay na teams sa rehiyon ay maglalaban-laban upang makapasok sa unang international Masters event ng taon, dagdag pa dito ang napakamahalagang VCT circuit points na kakailanganin nila para mag-qualify at makakuha ng spot sa Valorant Champions event sa pagtatapos ng 2022.


Schedule at resulta ng VCT EMEA Stage 1 Challengers

Valorant Gambit Esports Valorant Champions 2021
Credit: Riot Games

Qualifiers

Ang open qualifier ng iba’t ibang EMEA regions ay nagsimula noong January 10, 2022. Napagdesisyunan na ang mga teams na nag-qualify mula sa Europe, Turkey, at CIS.

Main Event

Ang Stage 1 Main Event ay magsisimula sa February 11 na gagamit ng bagong regular season format kung saan ang 12 qualified teams ay maglalaban-laban para makapasok sa playoffs.

Playoffs

Ang playoffs ay mgsisimula sa March kung saan maghaharap ang top eight teams para paglabanan ang mga nakalaang pwesto para sa EMEA region sa unang Masters event ng VCT 2022 season.


Format ng VCT EMEA Stage 1 Challengers

Valorant Fnatic Valorant Champions 2021
Credit: Riot Games

Ang dalawang open qualifiers ay magkakaroon ng apat na Main Event spots na paglalabanan ng mga kasali sa 128-team bracket. Ang mga teams ay maglalaro sa isang single-elimination format hanggang sa 32 na lamang ang matira, sa puntaon ito ay magiging double-elimination na ang format.

Sa main event ay hahatiin ang 12 qualified teams sa dalawang groups na may tig-anim na teams. Maglalaro sila sa round-robin best-of-three matches, kung saan ang top 8 teams ang aabante sa playoffs.

Ang playoffs ay magkakaroion ng double-elimination bracket kung saan ang lahat nang matches ay magkakaroon ng best-of-three series, maliban sa lower bracket final at grand final na parehong lalaruin na may best-of-five series.

Ang bagong Valorant agent na si Neon ay naging available na para sa tournament play sa unang pagkakataon noong January 25.


Mga teams na kasali sa VCT EMEA Stage 1 Challengers

Valorant Team Liquid Valorant Champions
Credit: Riot Games

Group A

TEAMQUALIFICATION
Gambit Esports2021 VCT circuit points
Team Liquid2021 VCT circuit points
BIG2021 VCT circuit points
FunPlus PhoenixCIS closed qualifier winner
LDN UTDEurope closed qualifier 2 winner
Natus VincereCIS closed qualifier 2 winner

Group B

TEAMQUALIFICATION
Acend2021 VCT circuit points
Fnatic2021 VCT circuit points
SuperMassive BlazeTurkey closed qualifier 1 winner
Guild EsportsEurope closed qualifier 1 winner
BBL EsportsTurkey closed qualifier 2 winner
G2 EsportsEurope closed qualifier 2 winner

Saan mapapanood ang VCT EMEA Stage 1 Challengers?

Valorant G2 Esports Sentinels VCT Stage 3 Masters Berlin
Credit: Riot Games

Mapapanood ng mga fans ang mga laban sa opisyal na Twitch at YouTube channels ng Riot Games:

CHANNELPLATFORM
Valorant EsportsTwitch
Valorant Esports 2Twitch
Valorant Esports 3Twitch
Valorant EsportsYouTube

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.