Hindi na dapat ikagulat matapos ang kanyang performance noong nakaraang linggo, ngunit opisyal nang bahagi si Jimmy “Marved” Nguyen ng starting lineup para sa Sentinels Valorant.
Si Marved ay maglalaro sa natitirang bahagi ng VCT Americas split ayon sa isang update mula sa head coach ng team na si Adam “kaplan” Kaplan.
Plano ng Sentinels na makahabol sa season gamit ang kanilang bagong roster

Napag-alaman na si Tyson “TenZ” Ngo ang magbibigay-daan upang makapasok si Marved sa starting lineup.
“After the past weekend’s results, as well as a good talk with TenZ, we’ve made the decision to start Marved for the rest of the league split,” sabi ni Kaplan sa announcement video.
Tungkol naman sa kanilang bagong starter, dagdag pa niya na “he’s looking sharp as ever, so we’re confident we can pick up right where we left off.”
Binanggit niya rin na dahil sa sobrang ikli at mahigpit na season, kailangan nilang magdesisyon para sa kabutihan ng team.
Nagdesisyon si TenZ na magpahinga muns noong nakaraang linggo dahil sa maraming dahilan, kasama na ang pangangailangan na mag-recover mula sa COVID-19 at isang injury sa kanyang kaliwang index finger matapos ang pagkatalo ng Sentinels sa kamay ng Leviatán. Bukod pa rito, kamakailan lamang ay na-diagnose na may cancer ang kanyang fiancé, at walang alinlangan na malaking problema rin ito para sa kanya.
Mukhang naging pangmatagalan na ang hakbang na ito.
Sa kabila ng kanilang desisyon na ilipat ang dating OpTic star sa starting roster, sinabi ni Kaplan na si TenZ ay hindi mawawala. Sa ngayon ay wala pang kasiguruhan kung nangangahulugan itong babalik pa siya sa kanilang roster.
Ngayong weekend, haharapin ng mga boys in red ang matitinding match laban sa Cloud9, at kung matalo nila ang kanilang mga katunggali, ito ay magiging malaking pagbabago sa kanilang season.
Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.