Si Tyson “TenZ” Ngo ng Sentinels ay isa sa mga pinakamahusay tumutok pagdating sa Valorant.Mula sa kanyang Valorant crosshair settings hanggang sa kanyang mouse grip ang kung paano niya i-configure ang kanyang PC, maraming players ang nagnanais na maging kasinggaling ni TenZ sa pagtutok sa pamamagitan ng paggaya sa kanyang gear at setup.

Ilang beses na siyang nagpatama ng mga tila imposibleng tira, kung kaya’t nabuo niya ang reputasyon bilang isa sa mga pinakamahuhusay na players ng game.

Ngayon, meron na namang isang bagay na pwedeng subukan ng mga players – ang kakaibang paraan ng paghawak ni TenZ ng kanyang mouse.

Ano ang iba’t-ibang klase ng mouse grip?

Ang mga mouse grip styles ay maaaring hatiin sa tatlong kategorya: palm, claw, at fingertip. Bagama’t ang bawat style ay naaayon sa personal preference, may mga grip styles na masasabing mas advantageous pagdating sa aiming o pagtutok.

Ang style na pipiliin mo ay may koneksyon din sa mouse na gagamitin mo, dahil ang iba’t-ibang mouse shapes ay may bianbagayang grip style.

Palm Grip

Tulad ng sinasabi ng pangalan nito, ang iyong palm o palad ay nakapatong sa ibabaw ng mouse. Ito ang pinakanatural at relaxed na paraan ng paghawak sa mouse, ito rin ang pinakakaraniwang grip style. Ngunit sa medyo mahirap gumalaw sa grip na ito, mahirap gumawa ng mga precise na micro-adjustments.

Claw grip

Sa claw grip, ang iyong kamay ay gumagawa ng isang arch, na bumabawas sa bilang ng mga contact points sa mouse. Ito ay nagbibigay ng mas maayos na control gamit ang iyong wrist, mas madali rin ang pabalik-balik na galaw.

Fingertip grip

Sa fingertip grip ay kino-control ang mouse gamit lamang ang dulo ng mga daliri. Hindi rin halos sumasayad ang palad sa likod ng mouse. Ito ang itinuturing na pinaka-precise na grip style, kung saan magagawa kahit ang mga pinakamaliit na adjustments. Dahil dito, ito rin ang pinakanakakapagod sa tatlong styles.

Ipinakita ni TenZ ang kanyang mouse grip at kung paano siya tumutok

Valorant Sentinels TenZ Day 7 VCT Stage 2 Masters
Credit: Riot Games

Napag-alaman na ang star player ng Sentinels ay gumagamit ng claw grip.

“Push your palm to the bottom base of the mouse,” sabi niya. “Have your middle finger raised between the scroll wheel and the right-click.”

Kailangan din ng mga players na gamitin ang kanilang wrist at braso para ma-control ang kanilang mouse, ayon kay TenZ. Sa kabuuan, gagamitin mo ang iyong braso para sa mga malalaking galaw, habang ang wrist naman para sa mga mas maliliit.

“Move your arm to find targets. As soon as I find where a target is, I stop and pivot with my wrist. That’s how it works. Most of my aim is just me pivoting my wrist,” paliwanag niya.

Maaaring hindi ka maging komportable sa grip style na ito, depende na lang sa laki ng iyong kamay at ng iyong mouse. Gumamit si TenZ ng Finalmouse Starlight-12 sa video na ito, na kung tutuusin ay mas maliit kumpara sa ibang mouse.

https://youtu.be/HLO_y8CLOyU

At bagama’t gumagana ang claw grip kay TenZ, maaaring hindi ito ang pinakamagandang grip para sa lahat. Walang particular na paraan para hawakan ang iyong mouse na sisiguro ng mas magandang tutok, kung kaya’t hanapin mo ang mouse grip kung saan ka komportable at mag-practice upang mas mapagaling ang iyong mechanics.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.