Si Ayaz “nAts” Akhmetshin ang isa sa pinakamagaling na professional Valorant player sa buong mundo. Nakamit niya ang tagumpay sa international stage kasama ang Gambit Esports nang magwagi sila sa Masters Berlin noong 2021.

Iyon ang nagsilbing breakout tournament niya kung saan makailang-beses siya nakapag-clutch ng mga round na tila unwinnable na kontra G2 Esports sa semifinals ng playoffs.

Ang malulupit na galawan niya ang naging susi para maitala ang kauna-unahang 13-0 victory sa isang international LAN event sa kasaysayan ng Valorant pro scene.



Nakuha ni nAts ang kanyang unang major esports trophy at pinatunayan na kaya niyang pangunahan ang kanyang koponan patungo sa panalo sa global stage gamit ang kanyang natatanging playstyle. Naikuwento pa nga ni top Korean player Kim “stax” Gu-taek sa ONE Esports na ang lurk strategy ni nAts ay sumikat sa kanilang rehiyon at sinubukan itong gayahin ng mga manlalaro.

Nagkaroon ng pagkakataon ang ONE Esports na makapanayam si nAts noong Valorant Champions 2021. Nagbahagi siya ng mahahalagang insight sa kanyang playstyle kasama pa ang isang in-depth guide kung paano dominahin ang mga laro habang pumupugak sa mapa.


Ano ang lurking playstyle?

Credit: Riot Games

Ang lurking ay isang playstyle kung saan ang isang agent mula sa attacking team ay pumupunta sa kabilang side ng mapa at hinihintay ang tamang pagkakataon para maglibot at patumbahin ang mga kalaban mula sa likod.

Gumagalaw ang lurkers base sa mga impormasyon na nakukuha nila. Minsan pa nga ay bini-bait nila ang kanilang koponan para makakuha ng mas magandang posisyon sa mapa.


Ang guide ni nAts kung paano ma-execute nang tama ang lurk playstyle

Valorant Gambit Esports nAts VCT Stage 3 Masters Berlin
Credit: Riot Games

Matutulungan ng guide na ito na mas maiging maintindihan ng players ang laro. Ibang-iba ang lurkers sa kung paano naglalaro ang mga duelist at initiator. Ang role na ito ay napupunta sa mga sentinel at controller agents tulad nila Cypher, Killjoy, Chamber, Viper, at Omen — mga karakter na magaling sa positioning at information gathering.

Ang mga agent na ito ay kayang mag-set ng traps para malaman ang lokasyon nga mga kalaban at sirain ang line of sight nila gamit ang kanilang mga smoke na pwede rin nilang gamitin para makapugak sa mapa.



“The main thing I’d like to say about lurking is that you have to understand how your opponent plays because that will mean a lot,” paliwanag ni nAts.

“If you know they’re playing a certain way, if you know an area on the map is free, if you can spot the patterns through that information, you’ll be able to do some unpredictable things,” dagdag niya.

Dapat alalahanin ng mga manlalaro pagkatapos ng bawat round kung nasaan ang mga kalaban at kung saang parte ng mapa sila nagde-defend. Maaari nilang magamit ang impormasyong ito para makalapit sa enemy team at marinig ang kanilang footsteps o agent abilities kapag napagpasyahan nilang mag-commit sa atake o gumawa ng mid-game rotations.



“The second thing is, you have to do it confidently,” pagtutuloy niya. “If you’re not confident, it’s going to be hard to execute your plays. You’re going to take duels every time, and you have to win them to be a good lurker.”

Para sa Valorant news at guides, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa artikulo ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.

BASAHIN: May skin ka na, nakatulong ka pa sa Give Back Bundle