Si Ayaz “nAts” Akhmetshin ng Gambit Esports ay isang kilalang Valorant sentinel player na nakakaalam ng karamihan sa mga epektibong Cypher lineups at setups.

Isa sa mga pinakamahuhusay nyang performance sa paggamit ng Cypher ay noong Valorant Champions 2021, kung saan nagtapos sya na may nakakagulat na 26/3/4 KDA, na naging malaking ambag upang matalo ng Gambit Esports ang Acend sa score na 13-3 sa Fracture.

Ang 19 anyos na star player ay nagsimula ng isang pro guide series sa kanyang YouTube channel kamakailan kung saan ibinahagi nya top 3 best setups sa Ascent. Magagamit ito ng ibang mga players at kapwa Cypher mains upang magdomina sa defender’s side sa kanilang susunod na rank games.

Kailangang tandaan ng mga players na gumagamit si nAts ng 1280×960 resolution (4:3). At dahil hindi sya gumagamit ng default na screen size, maaaring hindi eksakto ang ibang lineups para sa 1920×1080 resolution.

Best Cypher lineups at setups ni nAts sa Ascent

B-site boathouse

Ayon kay nAts, mas madaling depensahan ang B-site dahil kakailanganin ng mga attackers na mag-clear ng maraming pwesto bago sila makarating sa boathouse, na isa sa mga pinakamatiboy na position para i-hold.

Ang kanyang unang setup ay nangangailangan ng Spycam sa ibabaw ng pasukan ng B-main na magde-detect ng papalapit na attackers, sinusundan ito ng isang Trapwire na nakapwesto sa speedway at isa naman malapit sa switch na nagsasara ng pinto papuntang market.

At panghuli, magpwesto ng Cyber Cage sa speedway na magko-cover ng Trapwire mula sa mga attackers. Pwedeng gamitin ng mga players ang isang Cyber Cage malapit sa hagdan pababa ng B-site. Magsisilbi itong one-way smoke para sa sinumang nagbabantay ng boathouse.

A-site sa likod ng generator o double boxes

Una, siguraduhing ipwesto ang Spycam sa wall na matatagpuan sa kabilang side ng generator. Makikita nito ang mga attackers na papasok ng site.

Ang pinakamabisang Cypher lineups na ibinahagi ni nAts ay matatagpuan sa A-site kung saan meron syang nakapwestong dalawang Cyber Cages sa ibabaw ng generator at sa dulo ng double boxes. Ipinakita nya na ang setup na ito ay may napakakitid na line-of-sight na magpapakita ng mga attackers na papasok mula sa A-main.

Ang mga Trapwires na nakaposisyon sa kaliwa at kanang bahagi ng A-site ang bahalang mag-cover sa blindside ni Cypher, at dahil magtatago sya sa loob ng mga Cyber Cages, maaari nyang barilin ang mga targets nang hindi sya nakikita.

A-short at garden

Ang mga Cypher lineups ay pwede ring gamitin sa kanyang Spycam, na makakapagbigay ng mahalagang impormasyon para sa mga defenders. Kung ang mga attackers ay palaging dumadaan sa A-short, handa ang counter ni nAts – ibinahagi nya ang isang Spycam setup sa A-link na halos hindi ma-detect. Tumayo lang sa harap ng window sa A-garden at ilagay ang Spycam sa mga dahon sa A-link.

Masyadong mahirap depensahan ang middle area ng Ascent, ayon kay nAts, dahil madali lang para sa mga attackers ang mag-flash papasok sa mid, kung kaya’t mas pinipili nyang maglagay ng Trapwire sa harap ng market na makaka-detect ng mga attackers na naglu-lurk sa mid.

2 types ng attacker playstyles

At panghuli, ibinahagi nya ang dalawang playstyles na maaring gamitin ng mga Cypher players sa Ascent – passive at aggressive.

Ang passive playstyle ay umaasa sa impormasyon. Maglagay ng dalawang Trapwires para i-cover ang mga flanks at mag-abang sa mga pwestong maaring panggalingan ng mga defenders.

Ang ikalawang playstyle naman ay tungkol sa pagiging agresibo, ayon sa kanya. Gamitin ang Spycam upang makita ang mga anggulo na maaaring panggalingan ng mga defenders upang makapitas ng kalaban.

Kung hindi ka makakuha ng early kill, payo nya na wasakin ang mga sentinel abilities na makakapagbukas ng map. Sa pag-alis ng mga abilities na ito, magkakaroon ng pagkakataon ang mga attackers na makakuha ng impormasyon laban sa mga defenders.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.