Kakalabas-labas lang ng Riot Games kay Neon, ang kauna-unahang Filipino Valorant agent, pero tila kasing bilis ng karakter magpakita ng appreciation ang mga fans nito.

Sample na lang ang Neon cosplay na ‘to ni Charess.

Napahanga ang Valorant community sa detalyadong Neon cosplay na ‘to

Credit: Riot Games

Dahil 100% Filipino si Neon, wala nang mas aakma pang mag-cosplay sa karakter kung hindi ang kapwa Filipino at Valorant fan na si Charess.

Napabilib ni Charess ang Riot Games community dahil sa kanyang malupit na Neon cosplay. Kuhang-kuha niya ang lahat, maging ang blue na buhok, a la-walis tambo na tali, pati na rin ang cropped vest at leggings.

Kung ‘di ka pa bilib, -check out mo ang mga cosplay photo ni Charess habang ginagaya niya ang opisyal na key visual ni Neon.

Napahanga ang Valorant community sa detalyadong Neon cosplay na 'to
Credit: Nicko Wong, Macvan Dihayco, Andy Go, Archie Abong/DigitalArch, Gunslinger Dirge

Bukod sa paggaya sa mga ability, ibinida rin ni Charess ang makatotohanang prop Vandal gun sa photoshoot.

Malaking fan ng Riot Games ang Filipino cosplayer at nasubukan na rin niyang i-cosplay sina Viper, Seraphine, at Evelynn ng K/DA.

Narito ang Instagram account ni Charess kung saan makikita ang iba pa niyang cosplays.

Maramin pang dapat matutunan tungkol sa pinakabagong duelist ng Valorant kaya i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa balita, guides, at highlights.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Valorant patch 4.0: Mas balanse na ang Breeze at Bind