Isang malaking pagbabago ang gagawin ng NRG Esports sa kanilang Valorant roster bilang paghahanda para sa VCT 2023 season.

Bilang isa sa 10 partnered organizations ng Americas league, nilalayon ng NRG na mas palakasin ang kanilang pwersa kung kaya’t hinayaan nila ang apat sa kanilang mga players na humanap ng ibang oportunidad. Kapalit nila, binabalak ng NRG na kunin ang tatlong miyembro ng OpTic Gaming na nagdomina sa malaking bahagi ng 2022, ayon kay George Geddes ng Dot Esports.

Malapit nang tapusin ng NRG ang kanilang pagkuha kina Pujan “FNS” Mehta, Austin “crashies” Roberts, at Victor “Victor” Wong, dagdag pa kay coach Chet “Chet” Singh.

Nagpasya rin ang organisasyon na huwag bigyan ng mga bagong kontrata ang kanilang coaching staff, kung kaya’t sina Josh “JoshRT” Lee at Tony “Zikz” Gray ay mga unrestricterd free agents na ngayon.

NRG Esports nakatakdang kunin sina FNS, Victor, at crashies

Gen G Esports
Credit: HLTV

Tila pananatilihin ng NRG ang kanilang star player na si Sam “s0m” Oh. Ang 20-anyos ang tanging natitira sa dating roster at namataan na ring nasa queue ng ranked kasama ang dating OpTic in-game leader na si FNS.

Sina Victor at crashies ay nagpahiwatig na rin na nais nilang makuha bilang isang pares, at sa opagpirma nila sa NRG ay makakapagpatuloy silang maglarong magkasama. Ang duo ay magkasama na mula pa nung magsimula ang kanilang mga Valorant careers noong 2020, nang sila ay pareho pang nasa T1.

Bagama’t naging maganda tignan sa papel ang lumang roster ng NRG, lalo na nang maidagdag si Ethan “Ethan” Arnold mula sa 100 Thieves, hindi nila naaboit ang level ng performance na kinakailangan upang makakuha ng championship.

“Everyone was kind of forced out,” sabi ni Ethan sa kanyang huling stream. “But there’s no bad blood or anything.”

NRG Esports 2022
Credit: NRG Esports

Kasama ng dating 100 Thieves teammates na sina Nicholas “nitr0” Cannella at Spencer “Hiko” Martin, isa si Ethan sa malalaking pangalan sa North America na lumipat mula CS:GO. Timnulungan niya ang Evil Geniuses na makarating sa number one spot sa rankings ng HLTV noong 2019, kasunod ng sunod-sunod na solid finishes sa mga international events.

Itinuturing din siya ng marami bilang isa sa mga pinakamahuhusay na players ng 100 Thieves, bago lumipat papuntang NRG sa kasagsagan ng mga paghihirap ng 100 Thieves.

Ngayon, sinasabi ng 22-anyos na sana ay nanatili na lang siya sa 100 Thieves. “I probably would have stayed on 100 Thieves, just from a competitive results-based standpoint,” sabi niya. “If I had to do it again, I would.”

Hindi pa malinaw kung sino ang kukunin ng NRG bilang ikalimang player. Sa kasalukuyan ay wala pang controller main ang team.

Ang VCT 2023 ay magsisimula sa isang 30-team international LAN sa Sao Paulo, Brazil sa susunod February.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.