Mula sa producers sikat na Call of Duty League series ng NYXL na No Pressure: NYSL ay ang bagong serye para sa isa nanamang ma-aksyong barilan—ang Valorant.

Noong April, bago magsimula ang VCT NA Stage 2 Challengers, natagpuan ng NYFU ang sarili nila sa mahirap na sitwasyon, kasama ang mga koponang matagal nang magkakasama.

Hindi man sila nakalampas sa qualifiers, pero nagsisimula pa lang ang kanilang kampanya. Ika nga nila, “New York never sleeps,” at ganun din ang NYFU. Hindi sila titigil hanggang maabot ang tugatog—bagay na pinagpupursigihan ng bawat miyembro.


https://twitter.com/NYXL/status/1544395688171241472?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1544395688171241472%7Ctwgr%5E%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fwww.oneesports.gg%2Fvalorant%2Fbehind-the-scenes-nyfu-valorant%2F

Ano nga bang mangyayari kung pagsasama-samahin ang limang talentadong, batang manlalaro, na dating mga star player ng kani-kanilang koponan, sa isang koponan na iko-coach ng dating professional Dota 2 player?

Ito ang kanilang istorya. Ipalalabas ang Episode 1 sa ika-anim ng Hulyo sa YouTube.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Mukang may Yoru at Phoenix buff sa susunod na Valorant patch