Tila makakatanggap na sa wakas ng pagmamahal ang British duelist ng Valorant na si Phoenix. May tine-testing kasi na Phoenix buffs ang Riot Games sa patch 5.01 Public Beta Environment (PBE), para man lang mabigyan ng rason ang mga manlalaro na laruin ang agent.

Bukod sa kanya, may tine-testing din na Yoru buffs, kung saan mas pinadali na ang paggamit ng Dimensional Drift sa mas agresibong paraan para makahuli ng kalaban paglabas sa ultimate.

At ang pinakahuli, ang robot na initiator na si KAY/O ay sinusubukan ding pagandahin ang buhay dahil mas consistent na ang damage na inibinigay ng kanyang FRAG/ment molly.

Phoenix buff, sinusubukan na sa patch 5.01 PBE

Mukang may Yoru at Phoenix buff sa susunod na Valorant patch
Credit: Riot Games

Si Phoenix ngayon ang agent na may pinakamababang pick rate sa competitive play. Noong nakaraang 30 araw, nasa ikalawang pinakamababang puwesto ang duelist na may 8.2 percent pick rate, ayon sa Valorbuff.

Hindi rin siya halos ginagamit sa pro play. Sa VCT NA at EMEA Stage 2 Challengers, hindi na-pick kahit isang beses si Phoenix. Kaya kasing gawin nang mas malakas at mas epektibo ng ibang mga agent ang lahat ng kayang gawin ni Phoenix.

Gaya na lang ng Curveball flash na sa ngayon ay ang pinakamalala sa laro. Wala ring nabibigay na bentahe sa kanyang mga koponan ang Blaze wall at Hot Hands molotov, ‘di tulad ng Fast Lane ni Neon o Snake Bite ni Viper.

Para maging mas competitive, inilaan ng Riot Games ang Phoenix buff sa pagpapalakas sa Curveball, Blaze, at ultimate niyang Run It Back.

1.5 segundo na ang itinatagal ng Curveball flash, na dating 1.1 segundo lang. Mas mabilis na rin ang windup mula 0.7 segundo na ngayon ay 0.5 segundo na lang. Bukod dito, mas mabilis na rin mae-equip ni Phoenix ang kanyang baril pagkatapos i-cast ang Blaze wall.

Ang pinakamalaking Phoenix buff ay ang pagbabago sa Run It Back. Ngayon, pati ang amount ng shield na meron siya bago i-cast ang ultimate ay mababalik na kahit pa mapatay siya habang gamit ito.

“We view Phoenix as an aggressive entry agent, so the additional Run It Back and Blaze changes are intended to support his proactive intentions when taking space or fights early on into rounds,” ani Riot Games sa PBE notes.

Yoru at KAY/O iba-buff din

Mukang may Yoru at Phoenix buff sa susunod na Valorant patch
Credit: Riot Games

Para kay Yoru, mas madali nang gumawa ng play habang naka-Dimensional Drift. Dati, kailangan ay nasa ligtas na lugar ang agent bago lumabas dahil sa tagal ng exit time nito. Kung hindi kasi ay tiyak ang kanyang kamatayan.

Para i-reward ang mga player sa paggamit ng flash sa Dimensional Drift, 0.8 segundo na lang ang kailangan para maka-exit sa ultimate imbes na 1.2 segundo. 1.5 segundo na rin ang itatagal ng Blindside flash, kaya mas madali nang mag-flash, um-exit sa ultimate, at pumitas ng nabulag na kalaban.

Bukod dito, mas matagal na rin ang duration ng Dimensional Drift, mula 10 segundo na ngayon ay 12 segundo na. Ang mas mahabang oras ay para mabigyan ang mga manlalaro ng pagkakataon para ma-scout ang mga site at angle o makagawa ng play.

Mukang may Yoru at Phoenix buff sa susunod na Valorant patch
Credit: Riot Games

May adjustment din para kay KAY/O. May damage na rin ang FRAG/ment molotov kahit wala sa line of sight ng agent. Hindi na ngayon pwedeng magtago sa likod ng mga box para iwasan ito, bagamat pinaliit ang diameter nito mula 10m na ngayon ay 8m na.

Gayunpaman, mas madali naman nang i-revive si KAY/O gamit ang kanyang ultimate na NULL/cmd. Ang mga kampi na lang niya ang makakarinig ng full channel audio ng kanyang pag-revive. Maiksing audio cue na lang ang maririnig ng mga kalaban pag nagsimula ang kanyang pag-revive, gaya ng pag tina-tap ang spike, at hindi rin malalaman kung tinutuloy ang pag-revive o nagho-hold para sa swing.

Kung matuloy ang mga pagbabagong ‘to, magiging live ito sa Valorant patch 5.01.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Listahan ng S-tier agents sa Valorant patch 4.11