Kadalasang naapektuhan ng mga patch ang agent tiering sa Valorant. Minsan, nae-etsa-puwera ang naunang agent dahil sa pagdating ng bagong karakter na may mas magandang kit, o mas madalas ay nane-nerf ang mga sikat nang agent para pasikatin naman ang mga hindi nagagamit.
Pero hindi lang popularidad ang sukatan para masama sa listahan ng S-tier agents sa Valorant. Mas mahalaga kasing basihan ang dami ng nagagawa ng isang agent sa laban, kesa sa natanggap na buff o nerf mula sa mga nagdaang patch.
Kaya naman para sa patch 4.11, pinangalanan ng ONE Esports ang apat na agents na pasok sa nasabing kategorya.
Ang 4 na S-tier agents sa Valorant
1. Fade

‘Game changer’ ang pagdating ni Fade sa Valorant noong patch 4.08.
Bilang initiator, wala ka nang mahihiling pa sa skillset niyang may kakayahang makapag-blind at makapag-lock ng movements ng kalaban.
Inaasahan din si Fade bilang kapalit ni Sova, lalo na’t patuloy pa rin ang pagsikat at pagiging effective ng bagong agent hindi lang sa mababa at matataas na elo, kung hindi pati na rin sa competitive scene.
Maaasahan din si Fade bilang entry fragger bagamat hindi siya duelist. Dahil sa kakayahan niyang maglaro sa dalawang role, pasok siya sa listahan ng mga S-tier agents ng patch 4.11.
2. Chamber

Gaya ni Fade, maraming nagagawa si Chamber sa loob ng laban. A la Sentinel kasi ang kanyang dating nang una siyang ipakilala pero napatunayan ng ibang players sa VCT APAC gaya ni Michael “SEVERiNE” Winata ng ONIC Esports na gana rin ang agent bilang duelist.
Dahil kaya gampanan ni Chamber ang parehong roles, walang duda na kabilang ang French weapon expert sa mga S-tier agents sa Valorant ngayon, hindi lang sa professional scene kung hindi pati na rin sa competitive.
3. Omen

Bahagyang naungusan ni Viper si Omen bilang isa sa mga controller na kabilang sa S-tier agents sa Valorant, lalo na noong ma-nerf ito.
Gayunpaman, hindi pa rin matatawaran ang kakayahan ng hero na baliktarin ang mga sitwasyon. Pwedeng-pwede kasi gamitin ang kanyang Dark Cover at Paranioa para ipang-defend, ipang-retake, o ipang-assists sa entry fragger bilang attacker.
Ramdam na ramdam na rin ang presensya ni Omen noong VCT APAC Stage 2 Challengers, kaya’t wala nang dahilan para hindi siya masama sa listahang ito.
4. Sova

Dahil sa mga nerf kay Cypher, mas tumibay ngayon ang puwesto ni Sova sa listahan ng mga S-tier agents sa Valorant.
Isa ito sa mga pinakamabisang agent para makalakap ng impormasyon tungkol sa kalaban, salamat sa Recon Bolt at Owl Drone. Sa tamang anggulo, kayang-kaya rin makapitas ni Sova ng kalaban kahit hindi niya ito nakikita gamit ang Shock Dart.
Hindi ganoon kadali para sa mga baguhan na gamitin si Sova, pero hindi rin naman ganoon kahirap pag-aralan at maging mahusay gamit ang agent.
Sino pa ang mga Valorant agent ang sa tingin niyo ay dapat kabilang sa listahan na ito? I-comment sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Reports: Lampas 150 orgs na daw ang nag-apply ng partnership sa VCT 2023