Gitgitan ang Esports organizations para makakuha ng parte sa bagong partnership model ng Valorant sa paparating na VCT 2023 season.
Dahil limitado lamang ang slots sa tatlong bagong international leagues— Americas, Europe, and Asia — bilang laamng ang magagawang makalahok sa premier tier ng pro Valorant sa paparating na taon.
Ang mga organisasyon na hindi papalarin na makakuha ng slots ay ma-sisideline at makakalaro lamang sa domestic leagues, at walang direktang daan patungong international events tulad ng Masters of Valorant Champions.
Hindi bababa sa 150 organizations na sa buong mundo ang nagsumite ng kanilang aplikasyon sa Riot Games para sa tiyansang makuha ang partnership status, ayon kay George Geddes ng Dot Esports. Ngunit dahil pinapalagay lamang na 10 slots ang mayroon sa bawat liga, napakaliit na bahagi lamang ng na-ireport na numero ang magagawang makapasok.
May ilang orgs na ang nagkumpirma ng kanilang partnership application para sa VCT 2023

Bumaba na ang numerong ito kung babalikan ang 200 organizations na nagpakita ng interest ngunit hindi nag-follow up ng adisyunal na impormasyon para suportahan ang kanilang application sa VCT 2023 partnership, sulat ni Geddes.
Ayon din sa reports, mas marami daw ang applications mula North American league kung ikukumpara noong 2018 para sa League Championship Series (LCS), ang taon kung saan ipinakilala ng Riot ang franchising para sa NA League of Legends.
Marahil ay dahil ito sa US$10 million buy-in fee sa LCS. Kung ikukumpara ngayon, walang partnership fee na kailangang bayaran sa Riot ng organizations kung kaya’t kahit sino ay maaaring mag-apply kahit walang masyadong pondo.
“Instead of requiring a multimillion dollar franchise fee, partnership models like what Riot Games is proposing for Valorant heavily incentivize organizations to invest in team resources that strengthen the competitive scene of the esport overall — from the fan base to the player talent pipeline,” ani ng Version1 sa isang press release kung saan inaunsyo nila ang kanilang application.
Bukod sa Version1, may ilang grupo na din ang nagkumpirma ng kanilang interes sa partnership patungong VCT 2023. Kabilang sa mga ito ang T1, Complexity, TSM, 100 Thieves, Shopify Rebellion, Sentinels, Evil Geniuses, XSET, at The Guard.

Sa kabilang ibayo naman, naibalita na nag-apply ng partnership status ang G2 Esports sa parehong NA at Europe leagues, at maaaring iwan ang EMA kung papasok ang kanilang NA application.
Gayunpaman, maraming pumuna sa bagong pseudo-franchising model sa daan papunta ng VCT 2023. Dahil may parehong set ng teams sa bawat international league, mas papahirapan ng model na makapasok ang bagong teams at makalahok sa top level competition.
Mababalikan na sa VCT NA eksena, maraming teams ang dati ay hindi kilala ngunit nakapagbigay ng magagandang laban kontra established teams. Ngayon taon, nakuha ng The Guard ang Stage 1 korona kahit pa binuo sila ng mga manlalaro galing sa binansagang Tier 2 scene.
Sa Stage 2 naman, nanaig sa Group Stages ang Ghost Gaming bagamat hindi naipagpatuloy ang arangkada sa playoffs.
Inaasahan na ibabalita sa mga teams ng Riot ang resulta ng kanilang applications ngayong Setyembre.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: OpTic Gaming lilipad papuntang Masters Copenhagen upang ipagtanggol ang trono