Medyo nakakalito talaga sa una ang Pearl. Sa dami ng mga paikot-ikot na corridors sa Mid na papunta sa parehong spike sites, parang mahirap bantayan ang lahat nang posibleng rotations at mga angles na pwedeng pagtaguan ng kalaban.

Sa attack, maraming scenarios ang kailangan mong alalahanin, tulad ng kung nagpu-push galing sa Mid ang kalaban o iikutan ka galing sa kabilang bomb site.

Sa tamang sentinel agent, dadali ang buhay ng inyong team dahil makakapagbigya siya ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga posibleng flanks at makakapag-lockdown ng mga choke points para pigilan ang push.

Nilista namin ang mga best sentinels na epektibong gamitin sa Pearl upang maging hand aka sa iyong susunod na match.

Listahan ng mga best sentinel agents sa bagong Valorant Pearl map

4. Chamber

Chamber best sentinel agent Pearl map
Credit: Brandon Meier

Ang French sentinel na si Chamber ang pinakamainit na agent sa pro Valorant ngayon, punit talaga ang mga kalaban dahil sa kanyang kakayahan na maging agresibo sa pagkuha ng mga angles at tumakas nang mabilisan. Pwede siyang gamitin sa kahit anong map, at syempre, kasama na dito ang Pearl.

Ang mahabang sightline na papuntang B site ay isang playground para sa mga snipers, at maraming posisyon na pwedeng gamitin si Chamber upang mabantayan ang B main gamit ang Operator. Madali lang niyang makuha ang mga aggressive off angles nang hindi nangangamba dahil alam niyang kaya niyang mag-teleport palayo nang mabilisan.

Gamit ang kanyang Rendezvous teleporters, kaya niyang i-contest ang Mid nang maaga, pwede siyang manggaling A Art o Mid Doors bago tumakas.

At panghuli, ang kanyang trap ay magandang pang-hold ng Mid Doors habang nasa defense. Pag na-trigger ito, nganga ang mga kalaban sa loob ng slow field at siguradong yari sila sa sino mang nagbabantay sa area.

Gayunpaman, hindi siya magagamit bilang isang tradisyunal na sentinel. Dahil isa lang ang kanyang trap, nangangahulugan itong mahihirapan siyang magbantay ng likod ng kanyang mga teammates, kaya mas maganda pa rin sa depensa si Cypher.


3. Killjoy

Killjoy best sentinel agent Pearl map
Credit: Riot Games

Malaki ang pakinabang ng tech ni Killjoy sa Pearl. Sa kabila ng laki ng map, ang Lockdown ultimate ng German genius ay kayang ma-cover ang kabuuan ng parehong A t B sites, na pwedeng gamitin sa madaliang pag-initiate ng attack o pag-retake ng site.

Kasabay nito, pwedeng gamitin ang kanyang Turrets upang magbantay sa mga long angles tulad ng B Main, kaya pwedeng ituon sandali ang atensyion sa ibang areas na maaaring panggalingan ng mga attackers. Bukod pa dito, pwede ring gamitin ang kanyang Turrets upang makakuha ng impormasyon sa Mid push habang nasa attack.

Ang kanyang Nanoswarm grenades at Alarmbot ay pwedeng bantay sa mga masisikip na lanes sa A Art o Mid Doors, na magbibigay ng matinong damage sa mga kalaban na susugod.

Epektibo rin siyang gamitin sa post-plant dahil sa kanyang kakayahan na magbagsak ng Nanoswarm grenades sa A at B main.


2. Sage

Sage Reveal best sentinel agent Pearl map
Credit: Riot Games

Mapapakinabangan din sa Sage sa Pearl, tulad ng kaya niyang gawin sa Split dahil sa kakayahan niyang mag-delay ng push at mag-deny ng space sa Mid. Pwedeng gamitin ni Sage ang kanyang Barrier Orb sa Mid Doors kapag nagde-defend, na puputol sa mahalagang daanan sa B site at Mid Connector.

Mas epektibo rin ang wall sa Mid Doors kaysa sa Split, dahil sa patayong pagkakapwesto nito ay nangangahulugang kinakailangan ng kalaban na sumira ng ilang bahagi para lang makatawid. Kapag siya ay umaatake, kaya rin niyang lagyan ng wall ang Mid Connector, na tutulong sa kanyang team na masugod ang B link nang hindi nag-aalala sa pressure ng mga defenders na iikot galing sa A na dadaan sa Mid Connector.

Kapakipakinabang din ang kanyang wall sa B site, kung saan pwedeng magtanim ng spike nang mabilis sa sulok  ng site, gaya ng sa B site ng Icebox.

At kung iniisip mo namang maging battle Sage, maraming mga boxes at elevation points sa Pearl na pwedeng gamitin surpresahin ang mga kalaban mula sa mga hindi inaasahang vantage point.


1. Cypher

Cypher best sentinel agent Pearl map
Credit: Riot Games

Ang Moroccan information broker na si Cypher na yata ang pinakamalakas na sentinel na pwedeng gamitin sa underwater Lisbon. Magiging mahalaga ang kanyang mga Trapwires para masigurong hindi maiikutan ang iyong team ng mga kalaban sa sanga-sangang lanes ng map.

Mas mainam rin sa pag-hold ng flanks sa map na ito ang masked sentinel kaysa kay Chamber, dahil meron siyang dalawang Trapwires kumpara sa nag-iisang Trademark trap ni Chamber. Kung aatake kayo, kaya ni Cypher na bantayan ang mga push na manggagaling sa parehong A at B Main, habang si Chamber naman ay kinakailangang mamili.

Pwede ring mahuli ng Trapwire ang mga kalaban na susugod sa mga masisikip na choke points tulad ng Mid Doors, kung saan pwede siyang makakuha ng kills gamit ang kanyang Cyber Cage.

May ilan ding mga lugar na magandang pagpwestuhan ng kanyang Spycam, tulad ng higanteng archway sa harap ng A Restaurant. Sa tulong ng kanyang camera, maaaring kang mag-scout nang maaga sa attack, habang sa depensa naman ay magagamit itong pangkuha ng impormasyon sa rotation ng kalaban.

Para sa iba pang guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.