Kung may Valorant animated series na ilalabas ang Riot Games, ang Shattered cinematic ang isa sa mga siguradong aantabayan ng fans ng laro.

Tampok si Killjoy, Neon at Reyna, dinala ng Shattered ang fans sa Omega Earth sa unang pagkakataon. Subalit pagdating ng trio sa naturang lugar, hindi nila inasahan ang mga makikita nila doon. Mabilis nilang natagpuan ang kanilang mga sarili sa isang comic book store kung saan nakita nakita nila ang mga mukha sa comic covers bilang mga kontrabida.

Matatagpuan din sa cinematic ang ilang references sa bagong mapa na Pearl. Sa Pearl mismo ay makikita ang book shop kung nasaan ang trio. na Tinatawag na Hi Tide Comics, ito ay nasa Defender Side Spawn.

Bilang pagpupugay sa pearl at sa patuloy na paglawak ng Valorant universe at ang mga kuwentong bumubuo dito, naglabas ang Riot ng Crossover Event Pass na siksik ng pitong levels of titles, player cards at Radianite.

Tampok sa Crossover Event Pass ang ilan sa pinakamagandang player cards sa Valorant

Credit: Riot Games

Madaling naaninag ng fans ang cover design ng industry legend na si Jim Lee sa Shattered — The Valorant Legion — at ito ay kasama sa naturang event pass katulad ng iba pang disenyo na gawa ng samu’t-saring artists tulad nina Amanda Conner, Belén Ortega, at Ken Lashley.

Heto ang listahan ng items sa Crossover Event Pass:

  • Dalawang titles (“Dimensional” at “Double Agent”)
  • Tatlong player cards (Omen, Killjoy and Raze, at The Valorant Legion)
  • Dalawang Radianite levels (20 Radianite points)

Binibigyan ng Riot ng Kalayaan ang artists sa kanilang book covers. . “It’s really a tribute to the character team that almost every artist honed in on different agents,” ani ni Mike Berry, Video Director on Valorant. “The one exception might be Jim Lee, who we specifically had in mind for a team origin cover.”

Nagsimula maging available ang Crossover Event Pass noong June 22, ngunit para sa mga hindi pa nakakakuha ay maaari itong makita in-game hanggang July 13. Libre ito. Kinakailangan lamang na mag log in at maglaro para makakuha ng XP points.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Sumisid sa Pearl, ang bagong Valorant map na underwater