Matapos ang ilang buwan na puno ng teasers at leaks, opisyal nang inanunsyo ng Riot Games ang Pearl, ang ikawalong mapa ng Valorant.

Ang disenyo ng mapa ay hango sa isang underwater city sa Portugal. Nakapaloob ito sa isang malaking dome na gawa sa polycarbonate na kargado ng Radianite.

Future meets past ang itsura ng Pearl dahil binubuo ito ng mga kalsadang gawa sa cobblestone, kapihan, at Multiverse Musuem na gawa ng teknolohiya ng Kingdom Industries ng Omega Earth.

Walang ‘gimmick’ sa Pearl

Sumisid sa Pearl, ang bagong Valorant map na underwater
Credit: Riot Games

Kung siksik sa mga ‘gimmick’ ang karamihan ng mga mapa sa Valorant, gaya ng Haven na may tatlong sites at Fracture na may dalawang attacker spawns, mas tuwid naman ang pagkakadisenyo sa Pearl.

Tampok dito ang tradisyunal na three-lane structure, gaya ng mga naunang mapa tulad ng Ascent at Split. Wala rin teleporter, rope, o pinto na pwedeng isara. Maaaring gamitin ang salitang simple para ilarawan ito, kung hindi lang sa dami ng eskinita na meron ito.

“Pearl demands committed engagements, without the rotation and mobility support of doors, ascenders, or teleporters,” ani Joe Lansford, Level Designer ng Valorant.

Sa dami ng pasikot-sikot na magiging pugad ng mga long-range na barilan at sulok-sulok na pwedeng abusuhin ng mga defenders, pag-unawa at pag-utilize sa mga corners at angles ang kailangan sa mapang ito.



Ayon sa Concept Art Leader na si Brian Yam, dalawang pitch daw ang naging inpirasyon para sa Pearl—una ang naunang underwater theme at ang bago-bagong tema na nakatuon sa siyudad na nalubog sa baha dahil sa climate change.

Angat ang ganda ng Pearl kumpara sa mga naunang mapa ng Valorant. Tampok din dito ang mga makasaysayang arkitektura ng Portugal na dinagdagan ng kakaibang murals na gawa ng mga artista mula sa nasabing bansa. Bukod pa dito ang tugtog na hango sa tradisyunal na Portuguese fado.

Habang-buhay na takipsilim ang panahon sa Pearl dahil sa kung paano ito nalulubog sa tubig, ‘di tulad ng mga maaaraw na mapa tulad ng Breeze.

Maaari nang malaro ang pearl sa paglapag ng Valorant patch 5.0 sa ika-22 ng Hunyo, pero magiging available lang ito sa Competitive queue sa ika-12 ng Hulyo sa patch 5.01.


Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: