Kilala si Paper Rex Jinggg bilang isa sa top duelist players ng mundo ng Valorant.

Ayon sa Character Producer ng Valorant na si John Goscicki, ipagdiriwang ang kakaibang playstyle ni Paper Rex Jinggg sa launch ni Agent 24.

Sa isang State of the Agents blog post na ibinahagi noong September 29, tinukso ni Goscicki sa mga players ang mga darating na pagbabago kay Deadlock at kaunting mga pahiwatig tungkol sa paparating na duelist agent na lalabas bago matapos ang taon.



Bagong duelist na Agent 24, hango ang disenyo kay Paper Rex Jinggg

Valorant Paper Rex Jinggg Raze
Credit: Riot Games, ONE Esports

Halos dalawang taon na ang nakalipas simula noong lumabas si Neon, ang pinaka-latest na duelist agent. Ayon kay Goscicki, humihiling ang mga “ego-fraggers” ng isang bagong duelist sa roster.

“At its core, Valorant is a team-based Tac Shooter where gunplay shines,”sabi niya. “For some of you, that means aspiring to plow through enemies like Jinggg and putting hours in clicking those orbs with aim trainers for a clean 5k.”

Ibinahagi ni Goscicki na ang paparating na duelist agent ay para sa mga taong may parehas na playstyle kay Paper Rex Jinggg.

Nagpakitang-gilas ang PRX ng kanilang mga pasabog na stratehiya sa VCT 2023 season, at sa gitna ng lahat ng ito ay si Jinggg, ang Raze at Phoenix main ng team.

Masters Reykjavik 2022 Day 7 Jinggg
Credit: Riot Games

Si Paper Rex Jinggg ang nanguna sa agresibong playstyle ng PRX, at kadalasang nauuna sa pag-entry sa kanilang mga push bilang attackers at defenders.

Dahil sa hyper-aggressive plays ng PRX, naselyo nila ang VCT Pacific League championship, para matalo ang DRX sa isang 3-2 reverse sweep sa grand final.

Nagwagi rin sila sa international stage at nasungkit ang 3rd place finish sa Masters Tokyo sa likod lamang ng Evil Geniuses at Fnatic. Tinapos ng PRX ang kanilang VCT 2023 season bilang runner-up sa Evil Geniuses 3-1 sa grand final.

Hindi makakalahok si Jinggg sa PRX sa susunod na season ng VCT dahil sa kaniyang mandatory National Service simula 2024.

Dahil diyan, hindi siya makakasali sa mga kompetisyon ng isang taon. Kaya asahan ng mga fans ang paglabas ni Agent 24, na magsisilbing paalala sa “insanse Raze player” ng PRX.

Screenshot mula sa teaser ng Agent 24 sa Valorant
Credit: Riot Games

Hula ng mga fans na ang darating na Agent ay magiging isang Chinese duelist base sa pinakabagong teaser image na pinapakitang kumakain ang character sa isang hotpot restaurant.

Ang huling palatandaan ay nanggaling kay Goscicki, na sinabing, “We’ve got a little twist you never thought would make it into Valorant. Some of you may have been dreaming in the right direction.”

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Valorant.

BASAHIN: Yay ipinaliwanag kung bakit siya sumali sa Bleed Esports at bakit ayaw niyang manatili sa NA