Opisyal nang sumali sa Bleed Esports si Jaccob “yay” Whiteaker.  

Handa nang palakasin ng Masters Reykjavik 2022 champion ang Ascension Pacific 2023 winning roster sa paparating na Valorant Champions Tour 2024 season.

Inanunsyo ng Singaporean esports organization ang kanilang kumpletong roster noong Setyembre 30 at ibinunyag na maglalaro ang North American star kasama ang apat na Southeast Asian Valorant pros.

Sa isang panayam na nilabas ng Bleed, ibinahagi ni yay ang mga rason kung bakit umalis siya sa North American region at ang kaniyang paglipat sa Singapore.



Yay sumali sa Bleed Esports dahil ‘declining’ ang Valorant scene sa North America

Valorant Bleed Esports yay
Credit: Bleed

Ang dating OpTic Gaming at Cloud9 star player ang kauna-unahang prominenteng North American Valorant pro na sumali sa isang Asian team. Hindi ito pangkaraniwang kaganapan, at inamin niya rin ito.

Ayon kay yay, malayo na ang narating ng APAC at China regions, at naintriga siya sa kanilang “unique Valorant style.”

“I wanted to experience it to develop my game,” sabi niya.

Itinuro niya ang kasalukuyang “financial drama” sa esports scene ng North America, tulad ng pag-let go ng The Guard sa kanilang Valorant roster kahit na nanalo ang team sa VCL Acensions America.

Mayroon ding mga ulat na nagsasabing iiwanan ng Evil Geniuses roster ang kanilang organisasyon dahil sa pay cuts sa susunod na taon.

Paliwanag niya na “seemed right” ang kaniyang paglipat sa Singapore.

yay Champions 2022 Day15
Credit: Riot Games

Binanggit ng North American star na ang kaniyang karanasan sa Bleed ay naghatid ng positibong change of pace kumpara sa kaniyang oras sa mga dating North American teams.

“The environment here is more wholesome, which is really cool. It sometimes got a bit toxic with some of my past teams, maybe too serious, with lots of drama,” sabi niya. “But here at Bleed, everyone is super friendly, really, really nice people.

Huling naglaro si yay para sa Valorant roster ni Jeremy “Disguised Toast” Wang noong VCL North America Challengers League. Tinapos nila ito sa last place na may 0-7 record at nataktak sa liga.

Valorant Bleed Esports VCT 2024 roster
Credit: Nigel Zalamea/ONE Esports, sScary

Ngayon ay maglalaro na si yay para sa isa sa mga top Valorant rosters ng Asia. Winalis ng Bleed ang Malaysia at Singapore split ng Valorant Challengers League; tinapos nila ito ng may 18-1 record.

Sa Ascension Pacific 2023 tournament, naselyo nila ang top spot sa kanilang grupo at tinalo ang Boom Esports 2-1 sa semifinal. Umusad ang Bleed sa VCT Pacific League matapos patumbahin ang Japanese squad na SCARZ 3-0 sa grand final.

Sa kabila ng kanilang international success noong 2022, ang kaniyang mga panalo sa Masters Reykjavik kasama ang OpTic Gaming at mga konsekyutibong top-three finish sa Masters Copenhagen at Valorant Champions 2022, mina-manage ni yay ang kaniyang mga expectations para sa susunod na taon.

“Like everyone, I want to win and improve. But I don’t expect to win championships instantly. It might be a slow process or go fast, and we’ll have a great season,” sabi niya. “In my experience, securing a trophy takes time. My main goal is to be happy and perform well this season.”

Bleed Esports Valorant roster para sa VCT Pacific 2024

  • Derrick “Deryeon” Yee
  • Ngô “crazyguy” Anh
  • Nutchaphon “sScary” Matarat
  • Javier “Egoist” Chu
  • Jaccob “yay” Whiteaker

Ayon kay Max “purest” Katz, pumirma ang dating Cloud9 at OpTic Gaming star ng isang two-year na kontrata sa Bleed.

Uumpisahan ng Bleed ang kanilang VCT 2024 campaign sa Pacific League, kung saan haharapin nila ang mga top teams ng rehiyon, tulad ng DRX at Valorant Champions 2023 runner-up na Paper Rex. Panoorin ang roster reveal video ng Bleed dito:



Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Valorant.

BASAHIN: Eksklusibo: Leo Faria ibinahagi kung kailan lumago ang Valorant Esports scene