Nakapagtala ang Valorant sa China bilang most successful PC release noong opisyal na nilabas ang competitive first-person shooter noong July 12.

Nakatanggap ng nakakabilib na active users ang launch ng Valorant sa China. Naging matagumpay din ito sa viewership sa Huya, isa sa pinakamalaking streaming platform sa China.

Unang pinakilala ng Riot Games ang Valorant sa global gaming community noong 2020. Ngunit dahil sa licensing issues, na-delay ang entry ng laro sa Chinese market.



Valorant sa China ang laro kasunod ng League of Legends 

Valorant sa China
Credit: Daniel Ahmad/Niko

Inanunsyo ng China Games Streaming Tracker data na Niko ang mabilis na paglago ng Valorant sa Chinese region. Tinitignan ng tracking tool na ito ang mahigit 700 na laro at 144,000 channels sa mga top gaming platform ng China, tulad ng DouYu, Huya, at Bilibili.

Sa loob lamang ng unang linggo ng Valorant sa China, umangat ito sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa viewership sa mga PC games sa mga sikat na platforms, kasunod lamang ng League of Legends.  

Rumanggo rin ang viewership ng Valorant mahigit sa CrossFire.

Valorant Day One agents Xbox Game Pass
Credit: Riot Games

Nasa mga 8,000 channels ang nag-stream ng Valorant araw-araw sa launch week nito, dahilan para magkaroon ng average na 44,000 hours ng gameplay sa lahat ng platforms.  

Ang paglago ng Valorant ng China ay maaring maiugnay sa tagumpay ng Chinese representatives sa Valorant Champions. Ang Edward Gaming at Bilibili Gaming, dalawa sa tatlong Chinese teams na nag-qualify sa Valorant world championship ngayon, ay nakapasok sa bracket stage.  

Ang suporta na natanggap ng mga Chinese teams sa Valorant Champions ay isa ring sariwang ihip ng hangin, matapos maging crowd favorites ang EDG at BLG sa Los Angeles.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Valorant.

BASAHIN: Ekslusibo sa Riot Games: Paano ipinagkaisa ng Valorant ang mga Southeast Asia players ng iba’t-ibang kultura