Ang Valorant ay tiyak na nakakalap ng kasikatan sa iba’t-ibang bansa dahil sa kakaibang features na wala sa ibang laro.

Habang ang mga mapa na kinuhanan ng inspirasyon sa mga real-world na lugar ay hindi kakaiba, katangi-tangi ang Valorant dahil ipinagsama niya ang iba’t-ibang nationality sa mga agents nito. Ito’y nagdagdag ng isa pang lebel ng katauhan na relatable para sa mga players.  

Isa lang ito sa mg rason kung bakit ang global popularity ng first-person shooter title ng Riot Games ay lumalakas, kasabay na ang first-class gameplay mechanics at inklusibong background nito.  

Nagkaroon ng oportunidad ang ONE Esports na magkaroon ng isang panayam kasama ang Executive Producer ng Valorant na si Anna Donlon at Game Director na si Andy Ho sa Masters Tokyo para pagusapan kung paano ginagamit ng Riot ang kanilang layunin na magbigay aliw sa mga players sa buong mundo at kung paano nila pinagkakaisa ang mga ito.



Ibinahagi ng Riot Games ang susi sa kanilang tagumpay sa Valorant sa Southeast Asia 

Valorant
Valorant Executive Producer Anna Donlon sa kaliwa, Valorant Game Director Andy Ho sa kanan. Credit: Amanda Tan/ONE Esports

Sinisikap ng Riot Games na intindihin ang kaniyang Southeast Asian audience para makahatid sila ng isang unique gaming experience sa rehiyon. Ang prinsipyong ito ang gumagamay sa kanila para sikaping makamit ang mga expectation at preferences ng mga players.  

Ito ay dahil galing sa iba’t-ibang bansa at kultural na background ang mga Southeast Asian players, at ang team sa likod ng Valorant ay nagtutuon ng atensyon kung paano sila naglalaro at nakikipag-ugnayan sa isa’t-isa, paliwanang ng Game Director ng FPS title.  

Ayon kay Ho, importante ito, dahil sa huli, ang mga players ng iba’t-ibang parte ng mundo ay maglalaro ng iisang bersyon ng laro para ipagpatuloy ang “take one path forward.”  

“They all want a game that allows them to have more creativity in these competitive situations,” sabi ni Ho. “We try to stay true to what we think is what makes Valorant special to all of them.” 

Dagdag naman ni Donlon na malapit silang nakikipag-trabaho sa kanilang mga lokal na teams para mas maintindihan ang mga kagustuhan at expectations ng rehiyon habang naglalaro nito.

“Some players play at home, some players play in PC cafes, there are all sorts of different ways players play,” sabi ni Donlon. “We want the core experience to be universal, no matter where you are in the world.” 

Valorant Neon
Credit: Riot Games

Malaking hakbang ang tinahak ng Riot Games para I-promote ang laro sa mga bansa ng Asia. Sa Philippines, na-feature ang kompetetib na first-person shooter sa Head in the Clouds Manila, isang international music at arts festival na ginanap ngayong taon.  

Ni-recreate ng team ang kwarto ng Filipino agent na si Neon, katulad ng nakita sa Spark agent reveal trailer. Inimbita rin ng Riot Games si Ylona Garcia, isang talentadong artist para sa kantang “Entertain Me” na ipinakita rin sa trailer.  

Ang kasikatan ni Neon bilang agent ay naging isang rason sa pagkakaisa ng mga players mula sa iba’t-ibang bansa, para magbigay ng appreciation para sa Pinoy culture. 

Sa pamamagitan ng character at background ni Neon, natutunan ng mga players ang heritage, mga tradisyon, at prinsipyo ng mga Pinoy para makabuo ng isang tulay ng cultural exchange sa gaming community. Ito ay isa lamang halimbawa kung paano nagkaisa ang mga players dahi lsa Valorant.  

“The thing that we feel makes Valorant special is it’s a game that brings everyone together,” sabi ni Ho.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang exclusives. 

BASAHIN: Kuwento ni Neon: Ipinaliwanag ng Valorant dev kung bakit malapit sa puso ng mga Pinoys ang kanyang istorya