Sa tatlong spike sites, medyo mahirap depensahan ang Lotus.

Ang mga paikot-ikot nitong mga corridors sa gitna ng mapa ay mahalagang lugar na dapat ma-control  – malingat ka lang sa kanila ay pwede ka nang maikutan ng mga kalaban.

Ang mga Sentinel ay mahalaga sa pag-lockdown ng mapa, sa pag-punish sa mga kalaban habang sila ay pumapasok sa makitid na mga daanan at pagbibigay ng impormasyon, kahit wala bodies sa paligid.

Narito ang mga best sentinels na maaaring gamitin sa Lotus.


Pag-rank ng mga best sentinels para sa Lotus

1. Killjoy

Killjoy best sentinels na gamitin sa Lotus
Credit: Riot Games

Walang duda na si Killjoy ang nangunguna sa listahan ng mga best sentinels para sa Lotus, katulad ng kanyang mahalagang role sa Ascent.

Mayroong maraming makitid na mga daanan sa mapa, lalo na sa lugar sa paligid ng mga site ng B at C, na maaaring ma-control ni Killjoy gamit ang kanyang Nanoswarm mollies. Ang mga kalaban ay makakatanggap ng malaking damage habang pumapasok sa mga site, at kinakailangan nilang mag-ingat sa kanilang paglapit.

Ang kanyang Turret ay makakatulong din sa kanya upang bantayan ang mga kalapit na daanan at maipakita nang mas malakas ang kanyang presensya.

Panghuli, ang kanyang Lockdown ultimate ay saktong-sakto para sa mga sitwasyon kung saan kelangan ng attack o retake, na pumupwersa sa mga kalaban na tuluyang lumayo sa mga sites at nagbibigay ng espasyo para sa kanyang koponan.


2. Sage

Sage Reveal best sentinel agent Pearl map
Credit: Riot Games

Si Sage ay isang agent na hindi nangangailangan ng matinding effort at madaling gamitin upang palakasin ang inyong depensa. Ang paggamit sa kanya ay katulad din ng paggamit sa kanya sa Haven, isa pang mapa na may tatlo ring sites.

Ang kanyang Barrier Orb wall ay maaaring gamitin upang pumigil ng push sa B site sa simula ng round, pinapabagal ang anumang pag-atake at hindi nagpapapasok sa B site, kasama na ang mga daan patungo dito. Maliban kung mabasag ang pader, hindi mo na kailangan pang mag-alala sa B site agad-agad.

Ang daan papunta sa C ay madaling ma-block off din, at ang tanging ibang paraan para pumasok sa C site ay sa pamamagitan ng C Waterfall, kung saan kinakailangan muna ng kalaban na kunin ang control sa B site.

Ang Slow Orb ni Sage ay lalo pang epektibo sa mga makitid na daanan sa mapa. Ito ay makakapigil ng anumang pag-atake, maliban na lamang sa mga agent na may mga movement abilities.


 3. Cypher

Credit: Riot Games

Sa attack, ang Trapwires ni Cypher ay marahil ang pinakamahusay na ability para bantayan ang mga flank mula sa alinmang panig ng mapa. Hindi tulad ng kay Killjoy at Chamber, ang kanyang mga trap ay hindi limitado ng range at hindi magdedeactivate, kaya’t patuloy niyang mapapangalagaan ang control sa mga mahahalagang lugar ng mapa hanggang sa siya ay mapatay.

Mahalaga ito sa mga default plays, upang makapag-focus ang iyong koponan sa pag-atake ng mga depensa ng kalaban nang hindi nag-aalala tungkol sa mga flanking.

Sa pag-defend, mayroong ilang mga magagandang Trapwire spots din na pwedeng gamitin ni Cypher upang mag-anchor ng site mula sa likod.

Ngunit kahit na sa mga sitwasyong ito, daig pa rin siya ni Killjoy, na mayroong mas malaking kakayahang mag-stall.


4. Chamber

Chember
Credit: Riot Games

Kumpara sa ibang sentinels sa laro, kulang na kulang ang kit ni Chamber.

Mayroon lamang siyang isang Trademark trap na magdedeactivate kapag lumabas siya sa range, habang ang kanyang ibang abilities ay umaasa sa kakayahan ng player na tyumempo nang tama at patamain ang kanyang mga tira.

At kahit na makahanap siya ng opening pick, ang limitadong range ng kanyang Rendezvous ay nangangahulugan na hindi siya lubusang ligtas at maaaring madali siyang ma-trade.

Bukod dito, ang kanyang nag-iisang trap ay ang tangi niyang stall ability, maliban na lang kung magagawan niya ng paraan na makakuha ng ilang mga kills sa pamamagitan ng Tour De Force.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.