Natalo man ang XERXIA Esports sa FunPlus Phoenix sa Group B opening match sa VCT Stage 2 Masters Copenhagen, naipakita naman nial kung bakit nananatili silang isa sa mga pinakamahusay na teams na nagmula sa APAC region.

Ang mainit na laban sa pagitan ng dalawang teams na tumagal sa tatlong mapa ay pumabor sa FPX, ngunit may mga magagandang setups at executes na ipinakita ang Thai squad.

Sa Ascent, map pick ng FPX, handing-handa ang XERXIA. Isang epektibong Killjoy setup sa B Main ang tumulong sa kanilang araruhin ang mga kalaban sa likod ng pader, kahit na walang tulong ng mga recon tools tulad ng Recon Bolts ni Sova o haunt ni Fade.


Samahan ang XERXIA Killjoy setup na ito ng Odin upang depensahan ang B Main sa Ascent

XERXIA Masters Copenhagen Day 2
Credit: Riot Games

Sina Sova at Fade ang ilan sa mga pinakamalakas na agents sa Ascent, dahil ito sa kanilang kakayahang malaman ang kinaroroonan ng mga kalaban sa likod ng pader upang mapatagusan o wallbang.

Isa sa mga suking pwesto dito ay ang B Main, kung saan sa isang magandang bato ng Recon Bolt o Haunt lang ay pwede nang paulanan ng bala ng mga defenders ang mga kalaban gamit ang Odin ang hindi na kelangan pang humarap sa kanila. Gayunpaman, laban sa FPX, hindi na kinailangan ni Itthirit “foxz” Ngamsaard ng XERXIA na gumamit pa ng Haunt ni Fade.



Isang agresibong Killjoy turret na nakabantay sa B Main para magbigay ng impormasyon tungkol sa dalawang FPX players na nagtangkang sumugod sa area, ito ang dahilan kung kaya nagawa ni foxz na makuha ang wallbang kill kay Andrey “Shao” Kiprsky gamit ang kanyang Odin. Sinundan niya naman ito ng Haunt para sa karagdagang impormasyon para magamit ang lahat nang kanyang available na utility.

Pwede mo rin itong magawa mag-isa bilang si Killjoy, gamit ang sarili mong turret.

Sa hulio ay nakuha ng XERXIA ang map 13-9, ito ay sa tulong ng lakas at husay na ipnakita ng kanilang young star na si Thanachart “Surf” Rungapajaratkul.

Kahanga-hanga si Surf sa kabuuan ng series, kung saan nanguna siya sa server na may 62/53/12 KDA at 262 Average Combat Score (ACS). Gamit si Jett, nakakuha siya ng pitong first kills sa Ascent pa lang, isang pasabog na performance para sa isang 18-anyos sa kanyang ikalawang international appearance.

Gayunpaman, ang kanilang pagkatalos a FPX ay nangangahulugang makikipaglaban na ang XERXIA para sa kanilang tournament life sa Group B elimination match. Hinarap nila ang Japanese squad na Norheption noong July 13, kung saan natalo sila 1-2.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.