Gusto mo bang malaman kung ano ang itsura ng Zedd Spectrum Phantom skin mula sa natatanging Valorant collection? Ang isang talentadong Pinoy crafter ay gumawa ng life-sized na replica ng armas na ito mula sa scratch.

Ibinahagi ni Amado Carl Hernandez sa ONE Esports kung paano siya nagsimula sa paggawa ng cosplay props, at kung bakit niya napagpasyahan na gawin ang Zedd Spectrum Phantom skin.

Ang simula ni Amado sa paggawa ng cosplay props

Bilang isang taong lumaki sa paglalaro ng iba’t ibang console games, maraming oras ang inilaan ni Amado sa pagsusuri ng mga RPG at JRPG. Pagkatapos ay nag-transition siya sa paglalaro ng mga PC game tulad ng Counter-Strike, Warcraft, at Dota, na nagpalakas pa sa kanyang pagkahilig sa paglalaro ng mga games.

Nagsimula si Amado bilang isang crafter noong 2008 sa paggawa ng mga sandata gamit ang kahoy at papel lamang. “I really love making weapons and props, especially from video games,” sabi niya. “There is really something about video game weapon design that makes me want to see them come to life.”

Final Fantasy Crimson Saber by Amado crafts
Credit: Amado Crafts

Kung ikaw ay isang malaking tagahanga ng Final Fantasy tulad ni Amado, dapat mong tignan ang Crimson Saber na kanyang ginawa mula sa Final Fantasy Brave Exvius. Isang proyektong ipinagkatiwala sa kanya ng Square Enix at isang pangarap na natupad para sa talentadong Pinoy crafter.



Paano ginawa ni Amado ang replica ng Zedd Spectrum Phantom skin

Nagsimula ang proyektong Spectrum Phantom nang kinomisyon si Amado ni Riley “Witz” Go na gumawa ng kopya ng skin. Maaring maalala mo si Witz bilang ang masigasig na nagpatawa at nagpasaya sa mga fans sa pamamagitan ng kanyang kilalang Filipino dance moves noong Valorant Champions 2021.

Naging interesado si Amado sa nature ng pagbabago ng kulay ng koleksyon, na resulta ng kolaborasyon sa pagitan ng Riot Games at sikat na Russian-German DJ na si Zedd.

“I really love challenges and at the time it was something that hadn’t been done yet,” sabi ni Amado.

Ang proseso para buhayin ang Spectrum Phantom skin ay mahaba at masalimuot. Una, ginuhit ni Amado ang lahat ng bagay sa Autodesk Fusion 360, na umabot ng kabuuang 36 oras. Pagkatapos, pinadaan sa proseso ng 3D printing ang mga disenyo gamit ang fused deposition modeling (FDM) at stereolithography (SLA), isang mas mahabang proseso na umabot ng isang buong linggo.

Sa wakas, tinapos ni Amado ang armas gamit ang isang layer ng acrylic paint, na umabot pa ng apat na araw upang makamit ang pinakatumpak na anyo.

Ang Zedd Spectrum Phantom skin ay may kasamang remote-controlled na RGB LED light na nagpapalit ng kulay, katulad ng nasa game.

Upang makita pa ang iba pang gawain ni Amado, maaari kang bumisita sa kanyang opisyal na Facebook page.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

READ MORE: Best duelists para manalo sa Pearl Valorant map