Sa wakas ay inilabas na ang inaabangang Valorant Champions 2023 bundle.

Kasama sa limited edition na bundle na ito ay isang kakaibang koleksyon na ekslusibong mabibili lamang sa loob ng tatlong linggo. Pagkatapos nito ay hindi na ito pwedeng mabili sa in-game store o night market.

Tulad ng mga nakaraang Champions bundle, 50 percent ng kita ay mapupunta sa mga lumahok na 16 teams sa Valorant world championship ngayong taon.

Ito ang lahat ng detalyeng kailangan mong malaman tungkol sa Valorant Champions 2023 bundle, tulad ng mga skins at presyo nila.



Skins na kasama sa Valorant Champions 2023 bundle

Kasama sa bundle na ito ay ang Champions 2023 Vandal, Kunai, Trophy card, buddy, at spray.

Kasabay ng 2023 Champions-themed Vandal ay ang pamilyar na top frag glow enhancement, tulad ng sa nakaraang Champions weapon skins na iilawan ang mga top fraggers sa matches. Dagdag pa riyan, ang bagong bersyon na ito ay naghatid ng isang nakakaaliw na effect na matri-trigger kapag nakakuha ng ace ang isang player.

Nagiiba din ang Champions 2023 Vandal matapos ang kada tatlong kills, lalo na pag umabot ka ng 30 kills.

Sa makikita sa reveal video, ang base ng Vandal, na makikita sa taas ng trigger, ay my espesyal na lighting effects, para magdagdag ng isang linya matapos ang kada tatalong kills.

Habang may top fragger glow effect rin ang Champions 2023 Kunai. May parehas na fire at inspect animations din ito tulad ng VALORANT Go! Vol. Knife.


Valorant Champions 2023 skins release date

Magiging available ang koleksyon mula August 4 hanggang 29 kasabay ng Valorant Champions 2023. Gaganapin ang tournament sa August 6 hanggang 26.

Inilabas ang bundle sa in-game store noong August 4, 2 p.m. PT 9 p.m. GMT | August 5, 5 a.m. GMT +8 | August 5, 6 a.m. JPT.

Presyo ng Valorant Champions 2023 bundle

Humahalaga ang bundle sa 6265 VP (Valorant Points) na katumbas ay US $60.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Valorant.

BASAHIN: Ramdam ang California love sa Valorant Champions 2023 merch collection