Bumili na ng Valorant Champions 2023 merch collecton na tiyak na makapagliliyab ng puso ng mga diehard VCT fans.
Ang Valorant world championship apparel line ngayong taon ay tungkol sa lahat ng bagay sa Los Angeles, California, ang host city ng prestihiyosong tournament.
May pitong ekslusibong items ang limited-edition drop na nagbibigay pugay sa mundo ng Valorant na may elemento ng VCT at California.
Lahat ng pitong items na ito ay magiging available for oder sa opisyal na merch site ng Riot Games simula August 1, 10 a.m. PT | 5 p.m. GMT | August 2, 1 a.m. GMT +8 | 2 a.m. JPT.
- Makukuha mo lang ang Valorant knife na ‘to kung nasa China ka — sa ngayon
- Kuwento ni Neon: Ipinaliwanag ng Valorant dev kung bakit malapit sa puso ng mga Pinoys ang kanyang istorya
Pa-bonggahin ang iyong wardrobe gamit ang Valorant Champions 2023 merch collection
Ito ang mga kasama sa Valorant Champions 2023 merch collection:
Valorant Champions 2023 Basketball Jersey
Valorant Champions 2023 Coach Jacket
Valorant Champions 2023 XL Enamel Pin
Valorant Champions 2023 Hoodie
Valorant Champions 2023 SS Tee
Valorant Champions 2023 Agent Rap Tee
Valorant Champions 2023 Trucker Hat
Umiikot ang Valorant Champions 2023 merch collection sa temang Champions. Sa ekslusibong line na ito, makikita mo ang mga iconic elements tulad ng Champions trophy, ang VCT logo, at ang “one more” slogan ng tournament ngayong taon.
Dagdag pa riyan, nabigyan ng spotlight ng Valorant Champions 2023 merch collection ang hometown ni Gekko, na makikita mo sa Agent Rap Tee, Coach Jacket, at Enamel Pin na may Mosh ability niya sa gitna.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Valorant.