Ang Peal map sa Valorant ay naka-set sa isang mundo na may gumuguhong klima.  

Isang malaking Radianite-infused dome ang pumipigil sa mga alon, kaya naman naging isang underwater city ang Omega Earth Lisbon kung saan nagtagpo ang nakaraang arkitektura at futuristic na teknolohiya.

Ngunit sa halip ng kaniyang out-of-this-world na premise, may tradisyonal na three-lane layout ang Pearl at wala itong mga usual na “gimmicks” tulad ng mga rope o teleporters na makikita sa ibang mapa ng Valorant. Dahil sa kaniyang mga masisikip na passageways at corners, at isang paikot-ikot na Mid area, nagmukhang magkapareho ito sa mga mapa sa Counter-Strike tulad ng Inferno at Season.  

Hindi lahat ng agent ay gagana sa mapang ito. Ibig sabihin ay mas lamang ang mga agents na may movement abilities. 

Kung gusto mong mag-entry para saiyong team, ito ang mga best duelist para sa mapang Pearl. 



Best duelist para sa underwater map na Pearl  

Neon

Valorant Pearl map Neon
Credit: Riot Games

Nagiging isa s amga top duelists sa Pearl si Neon. Dahil sa malawak na Mid area at masisikip na corner, ang High Gear sprint at slide ni Neon ay magagamit mo para maisagawa ang mga mid-round rotations at mapatay ang mga kalaban na naka-hold sa mga masikip na angles gamit ang kaniyang bilis.  

Magiging mahalaga rin ang kaniyang Fast Lane sa tuwing aatake mula sa B Main dahil mahaharangan nito ang mga key sightlines para makapagbigay ng safety sa’yo kapag lalapit ka sa site ng Pearl.  

Ang mahahabang, open sightlines sa B Main ng Pearl ay isang prime na lokasyon para sa sniper, kaya ang kaniyang abilidad na ma-cover nang mabilisan ang distansya at makaharang sa sightlines ay magiging krusyal.  

Ganito rin para sa A Main ng Pearl. Habang hindi ito kasing-open na approach tulad ng B site, ang sprint ni Neon ay makakabigay sa’yo ng oportunidad ma-pressure ang defenders at mapigilan silang makakuha ng kontrol sa A Main.  

Dahil sa maliit na espasyo sa A site ng Pearl, maari rin niyang gamitin ang Fast Lane at makarating nang mabilisan sa likod ng site, tulad ng ginagawa ni Jett gamit ang kaniyang Tailwind dash.

Raze

Valorant Raze
Credit: Riot Games

Tulad ni Neon, nangingibabaw din si Raze sa Pearl dahil ang kaniyang Blast Pack ay kayang maka-cover ng distansiya nang mabilisan. Kaya niyang isara ang distansya sa B Main at makarating sa B Hall, o di kaya mag-satchel pabalik sa A.  

Dahil sa mga pasikot-sikot sa Mid, kaya rin ma-clear ng kaniyang Boom Bot ang mga tight angles. Epektibo ito kung sinusubukan mong maka-secure ng kontrol sa Mid Doors at B Link, o Mid Connector. Mapapakinabangan din ang kaniyang Boom Bot kung magpu-push kayo sa mga tight space sa A. 

Habang maari ring gamiting ang kaniyang Paint Shell grenade para ma-flush out ang mga nakakainis na posisyon tulad ng A Dugout o pocket ng B Main. Maaring ihalo ang kaniyang mga granada sa Seize tehter ni Fade para makamit ang maximum effect, para makadulot ng lethal damage sa mga kalaban sa loob ng mga masisikip na lugar.

Yoru

Valorant Yoru
Credit: Riot Games

Hari ang impormasyon sa Valorant. Ang Dimensional Drift ultimate ni Yoru ay hinahayaan siyang makapag-clear ng site o mga mapanganib na lugar, para mabigyan ng key intel ang kaniyang team. 

Mahalaga rin ang kaniyang Blindside pop flash sa tuwing magpu-push sa mga tight corner ng mapa.  

Dagdag pa riyan, dahil sa layout ng Mid, maririnig ng mga players ang footsteps ng mga rotations kahit na wala silang nakikita. Isang mautak na pag-Fakeout clone ay maaring gamitin para maloko ang mga kalaban at gumawa ng pekeng audio cues.  

Kaya rin niyang mag-maintain ng presensya sa buong mapa dahil sa kaniyang Gatecrash teleport. Pwede niyang ipakita ang kaniyang presensya sa isang dulo ng mapa para pumeke ng clone o para makakuha ng kontrol sa mapa, at pagkatapos ay pwede na siyang mag-teleport para samahan ang team niya.  

Pwede rin niyang gamitin ang kaniyang Gatecrash para makakuha ng advantage sa mga interconnected na pintuan, para mag-flank sa Mid at makapatay ng mga kalaban.

Paano naman sina Jett, Reyna, at Phoenix?

Valorant Jett
Credit: Riot Games

Maaring hindi magandang pick si Jett para sa underwater map na ito. Habang maaring makahanap ng value ang isang mahusay na player, ang abilidad niya mag-rush sa mga sites ay limitado lamang sa A site, ngunit maari niyang I-smoke ang B Screen at B Hall nang mag-isa.

Kulang din siya sa kit para maka-clear ng tight corners sa Mid, at kailangan niya pa ng tulong para makakuha ng kontrol sa B Main dahil hindi kaya ng dash niyang ma-cover ang distansya para makarating sa site.

Ang Leer naman ni Reyna ay magagamit mo lamang sa A at B Main. SA B Mid, hindi ito maasahan dahil ang kaniyang Nearsight debuff ay hindi gaanong epektibo kung naka-hold ang kalaban sa isang close corner.

Para kay Phoenix naman, kailangan ng maraming pagbabago ang kaniyang kit, at kayang-kaya talunin ng mga ibang abilities ng ibang agents ang kaniyang Curveball flash, Hot Hands molotov, at Blaze wall.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Valorant.

BASAHIN: Leo Valorant settings at gear: Keybinds, crosshair, PC, monitor, mouse setup