In-update nitong Disyembre 28, 3:15 p.m. (GMT+8): Nagdagdag ng mga kaugnay na guide.

Naniniwala si Michael “Shroud” Grzesiek na mas gagaling ka sa headshot aim percentage mo kung hindi ka gumagamit ng maliit na dot o dot crosshair sa Valorant.

Kumbinsido ang Twitch superstar na ang importante ay ang laki ng crosshair mo.

Bilang beterano ng CS:GO sa loob ng limang taon na may napakahusay na aiming mechanics, ipinaliwanag ng dating Sentinels pro player sa kaniyang stream kung bakit ang paggamit ng mas malaking crosshair ang sagot.

IBA PANG VALORANT GUIDES
Best duelists para manalo sa Pearl Valorant map
Bakit swak ang Valorant Drift TDM map para mag-warm up bago mag-ranked
Paano gamitin ang Iso ultimate sa Valorant upang manalo palagi sa 1v1
Best maps para kay Harbor sa Valorant
Best sentinels na gamitin sa Lotus map

Shroud ipinaliwanag na hindi gumagana ang dot crosshair para sa kaniya 

Valorant Shroud
Credit: Riot Games

Ayon kay Shroud, mas madaling mag-align at mag-aim sa target gamit ang mas malaking crosshair.

“Big crosshair basically makes it so that I don’t have to think of putting it on their head,” sabi niya. “It just goes on their head.”

Nilinaw niya rin na sa tuwing gumagamit siya ng maliit na crosshair, mas nahihirapan siyang matamaan ang perpektong spot.



“If I have a big crosshair, all I’m trying to do is put my crosshair on the general vicinity of where their head is, so it isn’t a specific click,” paliwanag niya. “It’s more like where I want to land the shot, and then I just hit the shot.”

Sumikat si Shroud dahil sa kaniyang husay sa kaniyang shots sa CS:GO. Palagi niyang pinipili ang mas malaking crosshair kumpara sa mga dot o maliliit na crosshair.

Panoorin ang full video dito:



Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Valorant.  

BASAHIN: Ekslusibo sa Riot Games: Paano ipinagkaisa ng Valorant ang mga Southeast Asia players ng iba’t-ibang kultura