May bago ng lugar ang mga FPS players para makapag-ensayo ng kanilang aim at movement bago mag-ranked, at ito ang Valorant Drift TDM.

Ang Valorant Drift TDM, ang pang-apat na mapa sa Team Deathmatch mode, ay opisyal na inanunsyo noong Disyembre 4.

Valorant 25 Dollar Amazon Gift Card
Credit: Nigel Zalamea/ONE Esports
KUNIN ITO: Valorant US$25 Gift Card

Kasama ang Thai-inspired map sa Piazza, District, at Kasbah, tatlong mapa na unang nilabas kasabay ng game mode sa patch 7.0

Idadagdag ang Drift sa TDM map pool sa Disyembre 5, kasabay ng Episode 7 Act 3.



Valorant Drift TDM ay isang paraiso 

Valorant Drift TDM map
Credit: Riot Games

May tila-exotic Thai beach resort vibes ang Drift at maghahatid ng bagong dynamic sa TDM map lineup. 

Binuo ng may tatlong lane na layout tulad ng tipikal na TDM maps, naiiba ang Drift dahil sa kaniyang zip lines. Maaring mag-navigate ang mga players sa mid at mag-zip sa mapa para makalapit sa kalaban. 

Para sa mga players na nakaabang sa zip lines, isip mo na lang na target practice ito kung maglalaro ka sa mga mapang Fracture, Icebox, o Split. 

Naghahatid ang Drift ng isang tanawin na may masisikip na eskinita at mahahabang koridor, para makabuo ng isang perpektong lugar para makapag-ensayo ng aiming mechanics at movement. 

Valorant 10 Dollar Amazon Gift Card
Credit: Nigel Zalamea/ONE Esports
KUNIN ITO: Valorant US$10 Gift Card

Tulad ng ibang TDM maps, wala itong in-game economy para maka-pokus ang mga players sa gun fights at agent ability usage. 

Maaring pumili ng loadout sa pagtagal ng match, at ang unang team na makakuha ng 100 kills ang panalo. 

Panoorin ang Drift TDM trailer dito: 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Valorant.

BASAHIN: Paano gamitin ang Iso ultimate sa Valorant upang manalo palagi sa 1v1