Kasado at kargado na ang Valorant Agent 24 na si Iso.

Malaki ang kanyang potensyal sa kamay ng bihasang duelist mains, pero ang pag-master sa Iso ultimate na Kill Contract ay mangangailangan ng karanasan para masiguro ang panalo sa one-on-one na barilan.

Ang Kill Contract ay isang AoE ultimate na gumagapang simula sa kung saan ito na-cast. Ang unang kalaban na mahuhuli sa radius nito ay mapupunta sa isang interdimensional arena, kung saan makakalaban nila si Iso sa isang one-on-one duel.

VALORANT $25 Gift Card - PC [Online Game Code]
Credit: Nigel Zalamea/ONE Esports
KUMUHA NA: Valorant US$25 Gift Card

Tila ‘di kalamangan ang paghila sa isang kalaban papunta sa isang isolated duel sapagkat ang laging mananalo ay kung sino ang may mas magandang tutok.

Pero ang pag-unawa sa kung paano nga ba talaga gumagana ang Kill Contract ay pwedeng maging game-changer para sa’yo at sa koponan mo.

IBA PANG VALORANT GUIDES
Best maps para kay Harbor
Best duelists para manalo sa Pearl
Leo Valorant settings at gear: Keybinds, crosshair, PC, monitor, mouse setup

Lahat ng advantage na makukuha mo sa paggamit ng Iso ultimate

Valorant Iso ultimate Kill Contract in-game
Credit: Riot Games

Kapag available na ang ultimate ability mo bilang Iso matapos makakolekta ng pitong orbs, may ilang konsiderasyon na kailangan mong tandaan. Una, dapat mong suriin ang economy ng kalabang koponan.

Kung sila ay naka-low buy, maaari mong targetin ang kalaban na may pistol, o mas maigi, patumbahin ang makulit na Judge user. Ite-teleport kayo ng Kill Contract nang magkalayo kaya walang bisa ang Judge dito.

Valorant 10 Dollar Amazon Gift Card
Credit: Nigel Zalamea/ONE Esports, Riot Games
KUMUHA NA: Valorant US$10 Gift Card

Kung nasa eco round naman ang mga kalaban, subukang alamin kung nasaan ang kanilang sentinel agent, tulad nila Cypher at Killjoy, sa mapa. Dahil walang utility na makakatulong sa kanila, perpektong puntiryahin sila ng Kill Contract. At kapag napatumba mo na sila, mas magiging madali para sa iyong koponan na kontrolin ang isang site.

Panghuli, ibigay ang iyong atensyon sa bottom fragger ng kabilang koponan. Magbibigay ng man advantage sa iyong koponan ang pagpatay sa kanilang bot frag, kaya tataas ang tsansa na mag-trade ng kills upang maipanalo ang round.

Bagamat ang tips na ito ay hindi makakasiguro ng panalo sa bawat duel, sigurado namang palalakasin nito ang iyong kumpyansa na makipagbarilan sa mas madaling target na magreresulta na sa mas maraming kills.

Pwede mong panoorin ang gameplay ni Iso sa trailer as ibaba.



Magiging available si Iso simula ika-31 ng Oktubre kasabay ng paglabas ng Episode 7 Act 3.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagadgang balita at guides patungkol sa Valorant.

Heads up lang, ang ibang links sa ONE Esports ay affiliate links. Ibig sabihin, kapag pinindot mo ang mga ito at bumili ka, may matatanggap kaming kaunting komisyon nang walang karagdagang gastos sa’yo. Isa itong paraan upang panatilihing tumatakbo ang aming site at makapagbigay ng mahahalagang content para. Salamat sa iyong suporta!

BASAHIN: Valorant dev: Ang Agent 24 ay isang duelist na ‘inspired’ ni Paper Rex Jinggg