Handa na guluhin ni Valorant Agent 24 ang agent meta.

Si Valorant Agent 24 ang magiging huling addition sa roster ng laro ngayong taon. Naghatid ang mga developers ng Riot Games ng mga iilang pahiwatig tungkol sa pagkakakilanlan at abilities ng bagong duelist na ‘to.

Maaring ilabas ang bagong agent sa pagitan ng Episode 7 Act 3 at Episode 8 Act 1.



Maaring isang ‘lumilipad’ na duelist si Valorant Agent 24

Valorant Agent 24 Duelist teaser
Credit: Riot Games

Nilabas ng Riot Games ang unang clue sa darating na duelist sa kanilang State of the Agents blog post. Sa post na ‘to, pinakita ang misteryosong tao na kumakain ng isang hot pot meal, na maaring maiugnay sa kaniyang nationality.

Kaya naman hula ng mga fans na Chinese si Agent 24, dahil ang hot pot ay isang tradisyonal na Chinese dish.

Valorant Agent 24 Duelist Ability Easter egg
Credit: Nigel Zalamea/ONE Esports, ValorLeaks

Ang pangalawang nakakaintrigang Easter egg ay ibinunyag sa Valorant patch 7.07, kung saan isang agent ability na may octadecagon na hugis ang pinakita sa Sunset.

Ang agent ability na ito ay may hawig sa Bulletproof player card na nakita sa Episode 7 Act 2 Battle Pass.

May track record ang Riot Games sa pagiiwan ng mga clues tungkol sa mga bagong agent at mapa sa kanilang mga Battle Pass. Isang halimbawa ay ang Live Wire player card mula sa Episode 3 Act 3, na pinakita ang Surge Protector backpack ni Neon bago pinakilala ang Filipino duelist sa Valorant.

Naniniwala ang mga fans na ang octadecagon-shaped ability ni Agent 24 ay may kakayahan itulak ang mga players sa ere, tulad ng Launch Pad ultimate ni Octane sa Apex Legends.

Nagmula ang teoryang ito sa pag-ugnay ng Valorant Character Producer na si John Goscicki ni Valorant Agent 24 sa star duelist ng Paper Rex na si Wang “Jinggg” Jing Jie.

Valorant 10 Dollar Amazon Gift Card
Credit: Nigel Zalamea/ONE Esports, Riot Games
KUNIN ITO: Valorant US$10 Gift Card

Sabi ni Goscicki, “At its core, Valorant is a team-based tactical shooter where gunplay is key. For some of you, this means aspiring to play like Jinggg, putting in hours to click those orbs with aim trainers for that clean 5K.”

Kilala si Jinggg bilang isang Raze main, at sikat siya sa kaniyang mga Blast Pack satchel plays.

Ang ibang links ay mga ONE Esports affiliate links. Ibig sabihin ay kapag pinindot mo ang mga ito at bumili ka, may matatanggap kaming kaunting komisyon. Wala itong additional na gastos sa’yo. Paraan ito para mapatakbo namin ang aming site at makapagbigay ng mahalagang content para sa’yo. Salamat sa iyong suporta!

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagadgang balita tungkol sa Valorant.

BASAHIN: Valorant dev: Ang Agent 24 ay isang duelist na ‘inspired’ ni Paper Rex Jinggg