Nakita sa Valorant off-season na malalaking pagbabago ang nangyari sa mga roster ng Valorant Champions Tour para sa susunod na taon. At makikitang absent si Jaccob “Yay” Whitaker, o El Diablo, sa mga off-season spreadsheet.

Bagamat hindi pa nag-aanunsyo ang daming OpTic Gaming star kung kaninong team siya maglalaro para sa VCT 2024 season, nagmumukhang maglalaro siya para sa Pacific region.


Yay, umano’y sumali sa Singaporean team na Bleed Esports

Valorant Yay
Credit: Nigel Zalamea/ONE Esports

Ayon sa mga viewers sa YouTube stream ni Saibani “fl1pzjder” Rahmad noong September 26, nakitang naglalaro sa ranked si Yay sa Southeast Asian server ng Valorant. Nakikipag-duo umano siya kasama ng Bleed pro na si Derrick “Deryeon” Yee.

Noong tinanong ni fl1pzjder si Deryeon, sinabi ng Singaporean pro na nakikipaglaro siya kasama ang kaniyang kapatid na si “zommy”, na hindi nagsalita sa buong laro.

Valorant Bleed Deryeon Yay
Credit: Nigel Zalamea/ONE Esports

Sinuri pa ng mga viewers ang gameplay niya at itinuro kung paano magkatulad ang kaniyang aim at movement kay El Diablo. Pinanood din ni Tarik “Tarik” Celik ang mga clips ni zommy at sinabing “Yeah, that’s Yay. That’s 100% him.”

Sa isa pang ranked game, ginamit ni zommy ang kaniyang voice comms at halatang kasing-boses ito ni Yay.



Iba pang mga halatang patunay na si “zommy” ay si Yay ay ang kanilang crosshair at pokus sa paglalaro ng mga duelists.

Tahimik ang mga Valorant roster leakers kung saan maglalaro ang El Diablo ngayong VCT 2024 season. Nagulat pati na rin si Yay na wala pang nag-leak hanggang ngayon.

Kinonsidera si El Diablo bilang best Valorant player ng mundo noong 2022. Nakapaglabas siya ng best stats sa OpTic Gaming noong nanalo sila sa Masters Reykjavik 2022.

Bilang parte ng core ng OpTic, nagkaroon ng sunod-sunod na top-three finish si El Diablo sa Masters Copenhagen at Valorant Champions 2022.

Naglaro siya para sa Cloud9 sa simula ng VCT 2023 season, ngunit na-release siya sa team matapos ang VCT LOCK//IN.

Ang huling beses natin nakita si El Diablo maglaro sa isang professional match ay noong naging aprte siya ng DSG team ni Jeremy “Disguised Toast” Wang sa Valorant Challengers League.

Matapos matalo sa lahat ng VCL matches kasama ang DSG, umalis si yay sa team at naging free agent.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Valorant.

BASAHIN: Eksklusibo: Leo Faria ibinahagi kung kailan lumago ang Valorant Esports scene