Ang ikawalong map ng Valorant, ang Pearl, ay magdadala sa mga playersd papunta sa isang underwater adventure sa version ng Omega Earth ng Lisbon, Portugal.

May mga pasikot-sikot na kalsada, mayamang architecture at murals, at isang higanteng Radianite dome sa ibabaw nito, ang Pearl ang isa sa mga pinakakakaibang map sa Valorant.

Pero sa kabila ng katangio-tanging setting, ang bagong map ay sumusunod sa isang traditional three-lane layout, kung saan may dalawang daan na papunta sa parehong spike sites at isang mid area na mahalaga sa pag-secure ng rotations. Hindi tulad ng ibang Valorant maps, wala rin itong mga “gimmicks” tulad ng mga ropes o teleporters.

Bagama’t may mga fans na nagsasabing kagaya ito ng classic na Counter-Strike map na Inferno, dahil sa mga mahahabang corridors at masisikip na corners ng Pearl, mas kapareho ng map na ito ang isa pang CS: Source map.

Layout ng Pearl kagaya ng sa de_season

May “vibes” ng de_season ang mini map ng Pearl, sabi ng in-game leader ng T1 na si Joshua “steel” Nissan, matapos niyang makita ang layout sa unang pagkakataon.

Ang Season ay isang community-created map sa Source. Bagama’t idinagdag ito sa CS:GO bilang bahagi ng Operation Vanguard noong 2014, inalis din ito mula sa mga game files pagkatapos ng dalawang taon.

Tulad ng Pearl, ang Season ay marami ring corridors at ang halos mala-labyrinth na mid area ay nagbubukas rin ng daan papunta sa iba’t ibang sites.

Sa dami ng mga key routes na pwedeng ma-control, possible tayong makakita ng mga double controller compositions na nakasentro kay Viper, tulad ng nakikita natin sa ibang mga maps tulad ng Bind.

At tulad ng nabanggit kanina, hindi rin maitatanggi ang pagkakapareho nito as Inferno, mula sa mga kalyeng gawa sa cobblestone hanggang sa mga kakaibang gusali. Pati ang pocket ng Inferno sa Banana at Pit ay makikita sa mga bilang ng corners at areas na pwedeng pagpwestuhan ng mga defenders upang bantayan ang mga sites.

Ang bagong map ay inlabas noong June 22, kasabay ng Episode 5 Act I. Makakapasok ito sa competitive queue simula sa July 12, matapos magkaroon ang mga players ng pagkakataon na maging pamilyar dito.

Para sa iba pang guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.