Ang kauna-unahang VCT Pacific finals MVP ay si Ilya “something” Petrov, ang duelist ng PaperRex.

Sa limang laro kontra sa powerhouse na DRX, nagtala si PRX something ng kamangha-manghang 95/64/25 KDA gamit ang Breech, Reyna, at Jett na may average na 241 ACS.

Sa deciding map na Bind, nagningning siya gamit ang kanyang Reyna at tinulungan ang kanyang koponan na maabot ang finish line na may 292 ACS at positibong 22/12/3 KDA.

Tatlong buwan lang ang nakalipas, gumawa siya ng kasaysayan sa isa pang playoffs event — ang Valorant Challengers Japan Split 1 — kung saan nagtala siya ng 120 kills at sinundan ito ng 136 kills sa dalawang laro sa loob ng dalawang araw.

Ang mga tagumpay na ito sa big stage ay bunga ng mga oras na ibinuhos niya sa Valorant ranked kung saan nakabuo siya ng matibay na pundasyon sa paggamit ng Jett. Sa eksklusibong panayam na ito ng ONE Esports, ibinahagi ni PRX something ang kanyang mga best habits sa ranked at kung paano niya naabot ang rank one nang maraming beses.


Si PRX something ay may ginagawa sa Valorant ranked na hindi natin pinapansin

VCT Pacific 2023 Grand Finals MVP PRX something
Credit: Riot Games

Bago naglaro si PRX something ng Valorant, naglaro siya ng dalawang competitive titles. Sa Dota, nagtala siya ng 5,000 MMR at umabot sa Divine, na isang antas lamang sa ibaba ng Immortal, ang pinakamataas na rank sa laro.

Sa Dota rin nakuha niya ang kanyang pangalan sa laro. ““To be honest, I stole this nickname from a Dota player from Ukraine. He was playing pubs on a smurf account and his nickname translated to ‘something’ in English,” alala niya, ngunit hindi maipaliwanag kung bakit niya ito ginamit. “I don’t know. Just random. I like his nickname and I steal.”

Paglipat mula sa MOBA, sumubok siya sa CS:GO. Bagaman hindi siya naging pro, sumali siya sa mga kompetisyon sa FACEIT at nagtagumpay. Kahit sa CS:GO, ginagamit pa rin ni PRX something ang mataas na sensitivity, na ipinagpapatuloy niya sa Valorant. Kung pagsasamahin ang kanyang mga karanasan sa dalawang games, mayroon na siyang 12 taong experience sa FPS.

“In Valorant, I have been playing for three years, 10 hours a day, so it’s not hard to reach rank one,” sabi ni something sa ONE Esports. “I did this on two occasions. It’s not hard. Just play and you’ll get it.”

VCT Pacific 2023 Grand Finals Paper Rex
Credit: Riot Games

Kapag siya ay nag-ra-rank up, agad niyang nire-review ang kanyang mga games. Halimbawa, kung siya ay nag-push sa isang anggulo at nabigo, hindi niya na uulitin ang galaw na ito. Sa halip, susubukan niyang gumawa ng iba pang mga play, subukan ang iba’t ibang bagay, at pag-aralan kung ano ang problema sa pamamagitan ng pagtatanong sa kanyang sarili kung bakit niya ginawa iyon at kung bakit namatay ang kanyang agent bilang resulta.

Kahit na kung minsan ay nakakaramdam siya ng pagod sa patuloy na paglalaro sa Valorant ranked, bihira naman itong mangyari. “Because I want to win. I enjoy playing Valorant,” sabi niya.

“It’s not a secret – just play, just grind. That’s all you need. Just spend a lot of hours, and one day you will grow and rank up,” dagdag ni something. 

Bagama’t ang kanyang pangalan ay nauugnay na sa Jett sa pro scene, ang mismong agent na gamit niya upang itala ang mga record kills, nagsimula siyang gumamit ng Viper noong beta, pagkatapos ay Reyna, bago siya magsimulang gumamit ng Jett kung saan niya binuo ang kanyang sarili at tunay na kakaibang estilo.

“To be honest, I never watch how other Jett players play,” sabi ni something. “I just play my game, never stealing anything from other players.”

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.