Mula pa sa Sweden ang bagong miyembro ng Bleed eSports, isang Southeast Asian esports organization na nakabase sa Singapore, matapos nilang i-sign si Jacob “Pyth” Mourujärvi.

Si Pyth, ang European Valorant pro na dating naglalaro para sa G2 Esports, ang kauna-unahang European player na lumipat sa Singapore para makalahok sa paparating na VCT 2022 season.

Ang kampanya ni Pyth sa ilalim ng G2 Esports noong VCT 2021 season

European Valorant pro lumipat sa Singapore para sumali sa Southeast Asian esports organization
Credit: Bleed eSports

Lumipat mula Counter-Strike: Global Offensive papuntang Valorant ang 28-taong-gulang na manlalaro noong Mayo ng nakaraang taon at agad nanalo ng ilang turneo kasama ang G2 Esports. Pitong-sunod na Ignition Series events ang naipanalo ng koponan kaya’t agad silang nabansagan bilang ang Valorant kings ng Europe.

Kaso nga lang, hindi naging kasing matagumpay ang mga nakamit ng G2 Esports nang magsimula ang Valorant Champions Tour o VCT. Binangko European Valorant pro noong ika-24 ng Hunyo matapos i-sign ng organization si Wassim “keloqz” Cista sa kanilang Valorant roster.

Simula noong siya ay binangko, nanatili lang sa inactive roster ng G2 Esports si Pyth hanggang sa ma-release siya mula sa kanyang kontrata noong ika-13 ng Nobyembre. Matapos ang isang buwan, inanunsyo ng Swedish player na siya ay maglalaro na para sa Singapore-based esports organization na Bleed eSports para sa susunod na VCT.

Nakatakdang lumaban sa Southeast Asia ang Bleed Esports para sa VCT 2022 season

Credit: Bleed eSports

Noong ika-30 ng Setyembre lang nabuo ang Bleed eSports. Kinuha nila ang mga miyembro ng Team UwU bilang ang una nilang esports team.

Sumasabak na sa mangilan-ngilang online events sa Southeast Asia ang Singaporean team kabilang na ang Christmas Showdown event kung saan sila ang nag-champion. Tinalo nila sa grand final ang Malaysian squad na Kingsmen sa iskor na 2-0.

Bago pumasok sa VCT 2022, nagawang makumpleto ng koponan ang kanilang six-man roster. Bukod kasi kay Pyth, pasok din sa koponan ang isa pang European Valorant pro na si Max “maxie” Lönnström bilang in-game leader.

Bleed eSports Valorant roster

  • Lee “LEXY” Jun Hao Xavier
  • Darren “FirstLove” Mok
  • Lim “lenne” You Xiang Lionel
  • Derrick “Deryeon” Yee
  • Jacob “pyth” Mourujärvi
  • Max “maxie” Lönnström (IGL)

Samantala, nakatakda namang magsimula ang VCT 2022 sa Pebrero.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: G2 Esports kinuha sila Meddo, hoody at pipsoN para sa VCT 2022 season