Ancient Egypt ang vibe ng ng bagong Sarmad Valorant skin bundle, kung saan tampok ang mga disenyo at motif na hango sa Egyptian mythology.
Nasa Sarmad collection din ang pinakamagandang weapon selection sa kahit anong skin line dahil saklaw nito ang mga kadalasang ginagamit sa laro.
May mga skin ito para sa Vandal, Phantom, Spectre, at Frenzy, bukod pa sa maangas na dual-wield blade na tinatawag na Blade of Serket.
Bumalik sa panahon ng mga pharoah sa Sarmad skin bundle
Ang Blade of Serket, na pinangalan mula sa Egyptian goddess ng healing at magic at kadalasang nauugnay sa isang alakdan, ay isa sa mga pinakamagandang parte ng bundle.
Pwede itong i-upgrade para ma-unlock ang ikalawang blade para sa kumpletong dual-wield animation. Pababa ang kurba ng mga talim kaya’t mukang isa ito sa mga pinaka-unique na melee skin sa laro.
Samantala, ang jade green at gold accents sa ibang skin naman ay tila hango sa Serenity bundle na may dagdag detail lang. Hindi naman ito ganoon kasama lalo na’t ibang-iba ang dating nito.
May a la-totem na ulo ng isang hayop ang bawat baril na nakakadagdag sa karakter ng skin bundle.
Si Bastet, ang goddess of protection na kadalasang sinisimbolo ng isang babae na may ula ng pusa, naman ang tampok sa Frenzy. Si Horus, isang diyos na may falcon na ulo, naman ang sa Phantom, habang ang jackal na diyos ng afterlife na si Anubis naman ang sa Vandal.
Inaasahang 5,100 VP ang halaga ng bundle.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: APAC organizations barya pa rin ang sweldo ng mga players, ayon kay Paper Rex Benkai