Sa kabila ng mabilis na lumalaking esports scene sa Asia Pacific region, mukhang malayo-layo pa ang agwat nito para makahabol sa isang rehiyon tulad ng North America, lalo na pagdating sa sweldo ng mga players.

Nagkaroon na ng malaking pagbabago sa pagdaan ng mga taon, sabi ng Paper Rex in-game leader na si Benedict “Benkai” Tan sa esports host at journalist na si Yinsu “Yinsu” Collins, ngunit may ilan pa ring oganisasyon na mababa magpasweldo ng kanilang mga players.

Matagal na itong problema sa rehiyon, ayon sa 25-anyos na player, ngunit marahil ay mas pinalala ito ng dahilan na ang Valorant ay hindi kasing sikat sa APAC tulad ng sa ibang rehiyon.

Halimbawa na lang, ang APAC ay isa sa mga least-watched regions na may 106,510 peak viewers noon VCT APAC Stage 2 Challengers, na lumamang lang sa Latin America. Kumpara dito, halos doble ang viewers na nakuha ng North America na nasa 216,858.

Sweldo ng mga players sa APAC hindi pa rin competitive

Paper Rex Benkai Reykjavik 2022
Credit: Riot Games

“Valorant is not as big in APAC as in other regions, so these organizations may be afraid to pay their players more,” sabi ni Benkai. “So it kind of just feels like they end up mistreating their players more often than not.”

Nitong taon, ang Thailand-based esports organization na X10 Crit ay inulan ng batikos matapos ang diumanong hindi nila pagbigay sa sa kanilang mga players ng kanilang porsyento mula sa kinita ng Valorant Champions bundle. Kinalaunan ay umalis sina Thanamethk “Crws” Mahatthananuyut at ang kanyang team mula sa X10 upang umanib sa XERXIA Esports, ang banner na kanilang bitbit nang lumaban sila sa Masters Reykjavik 2022.

Isang sugal rin para sa mga players ang pagsali sa isang bagong organisasyon dahil hindi sila pamilyar kung paano pinapatakbo ang team. “The sad reality is you just don’t really know the owners of the organization, so there’s always going to be a cloud of uncertainty when you sign with a new organization where you don’t really know who’s in charge,” paliwanag niya.

“You just are kind of expected to trust them with your livelihood, and when it doesn’t work out it’s very sad to see.”

Paper Rex Team Reykjavik 2022
Credit: Riot Games

Maaari pang mapaganda ang mga bagay-bagay sa rehiyon. Marahil ay hindi pa ganoon kalaki ang kita sa isang pro o streaming career, hindi tulad ng sa North America kung saan ang mga top players ay maaaring kumite ng US$25,000 kada buwan, ngunit unti-unti na itong nagiging possible.

“I would say that it’s becoming more of a possibility to do this as a full-time job because the salaries are getting more and more acceptable,” sabi ni Benkai.

“It’s acceptable when compared to an adult with a diploma,” nilinaw niya. “I would compare the salaries on that level, but they’re nowhere close to what the Americans make.”

Bagama’t hindi niya sinabi kung magkano ang ibinabayad ng Paper Rex sa kanilang mga players, sinabi niyang sapat ito upang mabuhay siya nang komportable sa Singapore.

Sa hinaharap, maaaring magtaas ang mga sweldo kapag inilabas na ng Riot Games ang kanilang bagong partnership model sa 2023. Ang APAC ay magkakaroon ng sarili nitong international league, kasama ang mga bansa gaya ng Japan at Korea, kung saan ang mga players ng mga partnered teams ay makakatanggap ng mas competitive na sweldo.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.