Inilahad ni Sentinels in-game leader Shahzeb “ShahZaM” Khan ang sa tingin niyang average na sahod ng Valorant pro players sa North American region.

Ibinihagi ni ShahZam ang impormasyon na ito habang hino-host ang watch party para sa VCT NA Stage 1 Challengers Open Qualifier 1. Bagamat hindi niya sinabi kung magkano ang kinikita niya bilang player ng Sentinels, nabanggit niya na mayroong Valorant pro players na sumasahod nang mas mataas kaysa sa kanya.


ShahZam ibinunyag ang average salary ng Valorant pros sa NA

ShahZam
Credit: Riot Games

Ayon sa 28-year-old pro player, ang average salary ng Valorant pro players sa North American region ay naglalaro sa US$5,000 hanggang US$20,000 (mahigit P250,000 hanggang P1 milyon) na kung tutuusin ay isang malawak salary range.

At maaaring masabi na ang pinakamagagaling na manlalaro sa pro scene ay pwedeng kumikita nang mas malaki pa dito.

Halimbawa na lang, ang kakampi ni ShahZam na si Tyson “Tenz” Ngo na lumipat mula Cloud9 papuntang Sentinels sa isang undisclosed “seven-figure deal” noong Hunyo 2021. Hindi pa nilalahad ni TenZ kung magkano ang kanyang sweldo, gumastos ang Sentinels nang nasa US$1 million (nasa P50 milyon) kaya naman ang kontrata ay dapat lumagpas sa US$20,000 kada buwan.

Nagbigay din noong Agosto 2021 ng estimate ang isa pang esports veteran na si Michael “Shroud” Grzesiek. Ayon sa former CS:GO pro na ngayon ay Twitch superstar, handa ang mga organisasyon na magbigay ng malaking pasahod dahil kumukuha sila ng lima hanggang 20 porsyento ng prize money earnings ng kanilang koponan mula sa mga tournament.

Sakto ito sa sinabi ni Kyedae Shymko noong Abril 2021 kung kailan aksidente niyang naibunyag ang sweldo nila Nicholas “nitr0” Cannella at Jay “sinatraa” Won sa isang stream. Bagamat hindi na sila kabilang sa Valorant pro scene, parte sila ng biggest names sa naturang laro.

Ayon kay Kyedae, kumikita sila noon nang US$25,000 (P1.2 milyon) kada buwan na siguro ay dahil sa kanilang tagumpay noon sa CS:GO at Overwatch.

Palaki nang palaki ang competitive scene ng Valorant mula noong i-release ng Riot Games ang laro noong 2020. Dahil na rin sa karanasan ng Riot sa paggawang ng matagumpay na tournament circuit para sa League of Legends, ang tactical first-person shooter title nito ay isa na ring viable na career path para sa mga player na kayang makipagsabayan sa pinakamataas na level.

Gayunpaman, malaki pa rin ang room to grow para sa laro. Bilang paglilinaw, ang sahod ng isang average LCS player sa League of Legends ay pumatak diumano sa US$410,000 noong 2020, na mas mataas sa $300,000 na estimate noong 2019.


Basahin ang orihinal na akda ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.