Ipinakilala ng Korean esports organization na DAMWON Gaming (DWG KIA) ang bagong head coach ng kanilang Valorant para sa VCT 2022 season na si Kang “Solo” Geun-chul.
Simula noong naging free agent ang beteranong manlalaro matapos umalis sa NUTURN Gaming noong ika-12 ng Nobyembre, naging misyon na ni Solo na i-angat ang estado ng VCT Korea sa susunod na season.
Ang Counter-Strike career ni Solo at ang VCT 2021 run ng NUTURN Gaming

Noong 2009 pa naglalaro professionaly ang 33-taong-gulang na FPS veteran. Gaya ng ibang Valorant pro, nagsimula ang kanyang karera bilang Counter-Strike player ng Korea.
Isa sa mga napagtagumpayan niya ay nakamit noong World eSports Masters 2010 sa CS 1.6 kasama ang WeMade FOX. Naglaro rin siya ng Counter-Strike: Global Offensive noong 2016 hanggang 2019 sa ilalim ng MVP PK.
Nagsimula ang kanyang karera sa Valorant noong 2020 kasama ang NUTURN Gaming. Nakasali siya sa mga online event ng Ignition Series ng Riot Games maging sa VCT 2021. ‘Di rin malilimutan ang naging kampanya nila sa VCT Korea Stage 2 kung saan naka-qualify ang koponan sa kauna-unahan nitong international tournament.
Sa VCT Stage 2 Masters Reykjavík, mariing napatunayan ng NUTURN Gaming ang tikas ng Korea pagdating sa Valorant. Nauwi kasi ang kanilang kampanya sa ikatlong puwesto sa likod ng Fnatic at Sentinels.
Nagdesisyon si Solo na mag-retire bilang professional player matapos malaglag ng Damwon Gaming (DWG KIA) ang NUTURN Gaming sa VCT APAC Last Chance Qualifier na dahilan ng kanilang pagkabigo na makadalo sa Valorant Champions 2021.
DWG KIA kinuha si Solo bilang head coach ng DWG KIA para sa 2022 season

Inaabangan ang magiging pagtatanghal DAMWON Gaming sa susunod na season alinsunod sa pagsapi ni Solo bilang head coach.
Muntik na sanang makapasok sa Masters Berlin ang Korean organization matapos maka-abot sa semifinals ng VCT Korea Stage 3 Challengers Playoffs. Kaso nga lang, na-eliminate sila ng F4Q sa iskor na 1-2.
Samantala, sumubok din ang DWG KIA na lumahok sa APAC Last Chance qualifier pero hindi sila pinalagpas ng Southeast Asian squad na FULL SENSE sa lower bracket final sa iskor na 0-2.
Valorant roster ng DWG KIA
- Lee “Jeong Hi” Jeong-Ha
- Kim “Eugene” Su-yeong
- Kim “t3xture” Na-ra
- Kim “Secret” Ha-jin
- Kang “iNTRO” Seung-gyun
- Kang “Solo” Geun-chul (Coach)
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Higit PHP 377 milyon na ang mapupunta sa 16 teams dahil sa Valorant Champions bundle