Higit US$7.5 milyon, o PHP 377 milyon, na ang nalikom ng Riot Games para sa 16 na koponang kalahok sa Valorant Champions 2021 dahil sa Valorant Champions bundle.
Ang Valorant Champions bundle ay ang eksklusibong skin bundle na inilabas ng Riot Games para i-celebrate ang kauna-unahang world championship tournament ng naturang laro.
Ayon sa anunsyo ng naturang game developers, kalahati raw ng kikitain mula sa Valorant Champions bundle ay mapupunta sa mga koponang maglalaro sa turneo. Ibig sabihin, nakalikom na ang naturang skin bundle ng kabuuang US$15 milyon, o higit PHP 377 milyon.
Higit PHP 377 milyon na ang nalilikom ng Valorant Champions bundle para sa bawat koponan

Ang 16 na teams na kalahok sa Valorant Champions 2021 ang pinakamagagaling na koponan sa buong mundo. Napatunayan nila ito matapos pangibabawan ang Valorant Champions Tour na tumakbo buong taon.
Karamihan sa kanila ay naka-qualify sa tournament matapos makalikom ng sapat na VCT points, habang ang Gambit Esports naman ay nakapasok matapos hiranging kampeon ng VCT Stage 3 Masters Berlin.
Nakataya sa Valorant Champions 2021 ang US$1 milyon, o higit PHP50 milyon, na prize pool, na kung tutuusin ay mas maliit kumpara sa PHP 377 milyon na nalikom ng Valorant Champions bundle.
Ibig sabihin, kukubra ng at least US$468,750, o PHP 23 milyon, ang bawat koponan sa turneo. Mas malaki ito sa US$350,000, o PHP 17 milyon, na cash prize na mapupunta para sa magkakampeon.
Ano ang Valorant Champions bundle?

Binubuo ng Champions Vandal at Karambit knife ang weapon skins bundle. Tampok sa pareho ang color theme ng Calorant Champions 2021 na black, gold, at red.
Isa pa sa mga nagpapa-astig sa disenyo nito ang Champions Aura. Meron kasi itong glowing outline sa Vandal at karambit kung ikaw ang top fragger sa isang laban. Umiilaw din ang “Champions” na naka-ukit sa gilid ng Vandal tuwing nakakapatay. Maaari itong bilhin hanggang sa ika-13 ng Disyembre.
Tandaan lang na hindi na babalik sa in-game store o sa Night Market ang naturang bundle.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.