Inayos na ng Riot Games sa Valorant patch 4.10 ang isang bug kay Raze kung saan nabawasan ang kanyang momentum ‘pag gumagamit ng Blast Pack satchels.
Ilang oras matapos ilatag ang patch, agad nagreklamo ang mga player dahil sa tila mas mabagal at mabigat na movement ni Raze. Umiksi rin ang distansya at taas na nararating ng agent ‘pag nagsa-satchel.
Nagkaroon pa nga ng Reddit thread, na may higit 200 comments, kung saan pinag-uusapan at pinagsasang-ayunan ang biglang paghina ng satchels.
Sa kabila nito, nilinaw naman ng Riot Games na walang nangyaring nerf kay Raze sa patch 4.10, at hindi sadya ang naturang pagbabago.
Balik na sa dati ang Blast Pack ni Raze salamat sa Valorant patch 4.10 bug fix

Aksidenteng na-nerf din si Raze sa isang patch noong March at kinailangang i-disable ng Riot Games ang competitive queue para maayos ito. Buti na lang, mukang mas simple at mas mabilis ang pag-ayos sa bug ngayon dahil hindi na sinara ang ranked play.
Naayos din ang isa namang UI glitch na nagpapakita ng option para i-mute ang mga kakampi at ka-party habang in-game. Lumalabas na sa kaliwang bahagi ng screen ang bagong UI element pero wala pang paraan para ma-bind sa key ang function na ‘to.
Ngayon, maaari na magamit ang mga satchel ni Raze gaya ng dati.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.