Walang inilatag na major changes ang Valorant patch 4.10, pero may dala itong mga quality-of-life updates na pagagandahin ang inyong overall experience sa laro.

Ang pinakamalaking pagbabago sa nasabing patch ay ang pagkakalagay ng mga panibagong global Valorant voice line na pwedeng marinig ng iyong mga kakampi. Kapag nasira ang ilang partikular na deployable utilities tulad ng Trademark trap ni Chamber o Trapwire ni Cypher, makakarinig na rin ang mga kakampi ng Valorant voice line na nagsasabing wala na ang mga naturang utilities.

Mas pinapadali ng bagong Valorant voice line na malaman mo kung may paparating na flank lalo na’t hindi mo na kailangan umasa pa sa iyong solo queue teammates para sa impormasyong ito.


Makakarinig na ng Valorant voice line na “destroyed” ang mga kakampi ngayong patch 4.10

Valorant
Credit: Riot Games

Narito ang kumpletong listahan ng abilities na may bagong global Valorant voice line:

  • Trademark trap at Rendezvous teleporters ni Chamber
  • Turret at Alarmbot ni Killjoy
  • Trapwire at Spycam ni Cypher
  • Gatecrash teleporter ni Yoru

Hindi nalilimitahan ang pagbabagong ito sa abilities na kayang makasipat ng flanks, at makakatanggap ka rin ng impormasyon kung ang Chamber o Yoru sa iyong koponan ay nakapag-reposition nang mabilis.

Kasama rin sa update ang optimizations sa agent progress at charge bars para sa mga agent tulad nila Reyna, Cypher, Breach, Fade, Omen, Raze at iba pa. Ginawa silang mas consistent pagdating sa lokasyon at laki para hindi nakakagulat ang pagpapalit ng agents.

Isang visual update ang ginawa sa character model ni Omen na dinagdagan ang kanyang “detail and fidelity at siguradong mapapasaya ng bagong itsura niya ang Omen mains.

Credit: Schiick

Nakatanggap ng slight change ang mapang Haven. ‘Di na posible na makatalon sa taas ng C site box kung ‘di gagamit ng abilidad na tulad ng Updraft ni Jett. Pupwersahin nito ang mga manlalaro na gumamit ng ability para makuha ang high ground.

May inilatag din na maliliit na improvements sa gameplay consistency. Inayos ang isyu kung saan ang ping at framerate spikes ay nagdudulot ng sobrang move processing buffer at pagtagal nito nang ilang segundo.

Dati ay nagreresulta ito ng karagdagang server-side input latency at additional delay sa iyong view ng ibang manlalaro, na maaaring gumawa ng unfair na peeker’s advantage paminsan.

Maaari niyong basahin ang buong notes ng Valorant patch 4.10 dito.

Para sa Valorant news, guides at highlights, pwede niyong i-like at i-follow ang Facebook page ng ONE Esports Philippines.


Base ito sa artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.